Judy Ann Santos, pinakita ang kanyang “Maliit na Bukid” kung saan nagharvest sya ng ibang mga gulay para fresh na fresh na mailuto at makain

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram

Isa sa nauuso ngayon ay ang pagtatanim ng gulay sa loob lamang ng ating bakuran. Marami na nga ang gumagawa nito at hndi lang ang mga ordinaryong tao dahil pati narin ang mga celebrity
At isa na nga ang gumagawa nito ay si Judy Ann Santos pati narin ang kanyang pamilya.

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram

Makikita rin sa instagram post ni Judy Ann kung saan masaya nyang ibinahagi ang pag haharvest nya sa kanilang garden.

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram

Narito ang sabi ni Juday sa kanyang caption.“Nakapag harvest na kami!!!! yaayyy!!! Hindi lang halata ang saya sakin bilang malamok! Pero masayang masaya ako!!#mylittlebukid

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram

Ngayon naman ay muling bumisita si Judy Ann sa kanyang maliit na bukid, Mapapanood nga ang video sa kanyang youtube channel na Judy Ann’s Kitchen.Ibinahagi nya ang kanyang garden kung saan ay pumitas rin sya sa munting bukid kung ano ang pwede nya lutuin.

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram

Nabanggit rin ni Judy Anne sa video na kapag nag haharvest ka ng halaman ay dapat kinakausap rin sila upang patuloy sa pag usbong at mamunga.At narito nga ang mga na harvest ni Juday, na nasa kanyang maliit na basket.Kaunti lamang ang kanyang mga napitas, meron syang tatlong pirasong okra, dalawang kamatis, cilantro at basil.

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram

Bumalik na si Juday sa kanilang kusina at ang naisipan nya na lutuin ay tortang gulay.Makikita na masarap naman ang itchura nito matapos maluto.Ng tikman naman ni Judy Ann ay sinabi na hindi na masama ang lasa nito,

At pinatikim nga nya sa asawa na si Ryan na mukhang napilitan lang at di mawari ang lasa,pero
Sa kabilang banda ay tuwang tuwa naman itong si Juday ng makita ang reaction ng asawa. At nag biro pa kay Ryan ng sinabi na“Titikman mo ulit sa pangalawang subo dahil mahal mo ako.” Sabay tawa ni Juday.

Credit: Judy Ann’s Kitchen instagram