Kakai Bautista, masayang pinakita ang kanyang napundar na bahay para sa kanila ng kanyang pamilya

Libre lang mangarap. Kaya naman, kapag nangarap ka ay lubus lubusin mo na. Ang mahalaga ay may pangarap ka sa buhay at may ginagawa ka para maabot ang mga ito.
Walang mayaman o mahirap sa taong nangangarap. Pantay pantay ang lahat sa pangarap na nais nating maatim. Ang komedyanteng si Kakai Bautista ay isa ding nangarap ng kaniyang sariling bahay.

Source: Kakai Bautista instagram

Sa kanyang pagkayod sa pag arte sa teatro at telebisyon, ay nakaipon at nakapundar si Kakai ng kanyang sariling bahay.“Ngayon lang kame nagkaroon ng sarling bahay. Sa latest vlog ko, pinasilip ko itong munting tahanan namin. Di pa siya tapos dahil ipapaayos ko pa sana ang interior kung hindi nagkaroon ng p@nd3mya. Oo nalungk0t ako kasi dapat nakalipat na kame pero alam ko may dahilan si Lord kung bakit di pa sa ngayon,” kwento ni Kakai.

Source: Kakai Bautista instagram

Lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil sa mga pagpapalang natanggap niya at oportunidad na dumating. Lubos na naniniwala si Kakai na sa kabila ng p@ndemya ay makakaya nila itong mabayaran at matapos.Malaki din ang pasasalamat niya kay Eugene Domingo na tumulong at nakasama nya sa mga proyekto niya noon.

Source: Kakai Bautista instagram

“Ang bahay na ito ay katas ng Jollibee Jolliserye with Ate Uge, endorsement ko. Kaya, JB house ang tawag ko dito. Di pa ito tapos dahil nagloan ako sa bank. Sugod lang, para sa pangarap kasi alam kong pagtatrabahuhan ko ito at pagsisikapan,” dagdag pa niya.

Source: Kakai Bautista instagram

Emosyonal na binalikan ni Kakai ang kanyang mga humble beginnings at ngayon ay nakikita na niya ang bunga nito.

Source: Kakai Bautista instagram

“Sa mga nakakabasa nito, walang deadline ang pangarap. Kahit anong age mo, kahit anong sitwasyon mo, basta gusto mong paghirapan ay matutupad. Tiwala sa sarili at tiwala kay Lord. ‘Yan ang formula na kailangan mo. At tandaan mo, lahat ng bagay na nakukuha mo ng mabilis kapag di mo inalagaan ay mawawala din ng mabilis,” mensahe ni Kakai na nagiging inspirasyon sa iba.