Kakaiba at gwapong mga litrato ni Darren Espanto, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen

Wala ngang imik ang Netizen ng makita ang mga bagong labas na larawan ni Darren para sa pagdiriwang ng kanyang ika dalawampung kaarawan. Sa instagram ni Darren binahagi nya ang kanyang sexy photos kung saan naka sando ito na kulay white at mas lalo nga napansin ang kagwapuhan nito sa pagkakaroon ng makisig na katawan.

Credit: Darren Espanto instagram

Sinulat naman ni Darren sa caption ang napaka simple na “Twenty!” Sumunod naman binahagi ni Darren sa kanyang instagram ang ilang mga larawan sa kaganapan ng kanyang birthday special.
“Can’t wait to eat all types of cake again this year! HAHAHA Pero baka naman pwedeng birthday gift niyo na po saakin ang manood ng comeback concert ko!

Credit: Darren Espanto instagram

DARREN: HOME RUN June 19 and June 20! For tickets, go to KTX.ph, iWant TFC, or TFC IPTV. THANK YOU PO!” Ang sabi ni Darren sa kanyang caption. Marami naman ang nag iwan ng pagbati kay Darren at may mga natanggap rin itong regalo mula sa kanyang mga kaibigan at fans gaya nalang ng digital billboard sa South Korea.

Credit: Darren Espanto instagram

May mga hindi nga makapaniwala sa paglaki ni Darren na mula sa isang batang singer ay isa na ngayong heartthr0b. Habang tumatagal naman ay mas gumagwapo ang aktor at singer na si Darren at lalong kvmikisig ang kanyang katawan.

Credit: Darren Espanto instagram

Marami naman ang humahanga kay Darren at sa ngayon nga na kakatapos lamang ng kanyang birthday special ay nagpapasalamat siya sa kanyang mga taga hanga, dahil hangga ngayon ay lagi nakasuporta sakanya ang mga fans nito.

Credit: Darren Espanto instagram

Ayon kay Darren, ay wala na siyang hihilingin pa na iba, sapagkat hindi naman siya sisikat kung di dahil sa mga fans nya. Nagpasalamat nga si Darren sa lahat ng bumati sakanyang birthday special.