Kambal na sina Jai at Joj Agpangan, masayang nagdiwang ng kanilang 26th birthday

Nagdiwang ng kaarawan ang isa sa mga tanyag na kambal sa industriya ng showbiz. SIna Joj Agpangan at Jai Agpangan ay nagkaroon ng celebration para sa kanilang birthday nitong simula lamang ng buwan ng September.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

Ipinasilip naman ng isa sa mga kambal na si Jai Agpangan ang naging selebrasyon nila ng kanyang kambal na si Joj para sa kanilang 26th birthday. Sa Instagram post ni Jai ay makikitang pareho silang naka white dress ni Joj. Ang kanilang birthday ay September 2.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

May caption ang post na “Blessed 🎂 Thank you everyone🥰” Sa panahon ngayon ng pandemya ay bihira nalang ang makapagcelebrate ng mga mahahalagang araw ang bawat indibidwal. Kaya naman kitang kita sa mga mata at ngiti ng kambal kung gaano sila kasaya na kahit papaano ay sila’y nakapag celebrate.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

Makikita naman sa comment section ang mga birthday greetings ng mga netizens pati na rin ng kanilang mga kaibigan na mga celebrity at vloggers. Simple lamang ang naging celebration. Makikitang mayroon lamang silang minimal birthday decorations na nasa kulay green, yellow, gold, at white. Ito ay iilang mga balloons at “happy birthday” na banner.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

Mapapansin naman sa kanilang table ang kanilang mga cakes. Intimate birthday celebration ang idinaos ng kambal. Ang mga iilan nilang bisita na makikita sa picture ay ang kanilang mga mahal sa buhay, pamilya at iba pang malalapit sa kanila.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

Hindi rin naman ipinalampas ng dalawa ang tradisyonal na paghipan sa kandila ng cake. Nakalagay ang mga kandila sa kanilang number cake na 2 at 6

Kung bibisitahin naman ang account ni Joj ay ibnahagi niya rin ang mga captured moments nila ng kanyang kambal sa celebration.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

May caption naman ang kanyang post na “Officially 26 ✨ Thank you Lord for another year samin ni twinny! We offer everything to You Papa God ❤️”

Maalalang sa isang Pinoy Big Brother Season na inere noong taong 2012 ay sila ang naging kaunaunahang twins na naging Official Housemates ni Kuya.

Credit: Jyra May Agpangan instagram

Sila mismo ang nagdala at nagpakilala sa kanilang mga pangalan sa industriya. Hangga naman ngayon ay mapapatunayang hindi pa rin sila nakakalimutan ng kanilang mga supporters.

Credit: Jyra May Agpangan instagram