Karla Estrada, back to school na ulit sa edad na 47 years old

Walang edad ang pag-aaral. Kahit ano pang edad mo, basta gusto mong matuto at mag grow, pwedeng pwede kang bumalik sa ekwelahan para mag-aral. Sabi nga nila, learning goals lang dapat lagi tayo.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Ang buhay nga daw ay tuloy-tuloy na proseso ng pagkatuto kaya kahit ano pa man ang edad mo ay welcome na welcome kang makabalik sa pag-aaral. Marami na din ang ginawa ito mula sa ating mga mommies, daddies maging ang mga lolo’t lola.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Gaya na lamang ng aktres at ngayon ay politician na rin na si Momshie Karla Estrada. Kilala na si Karla noon pa man bilanh isang singer at aktres. Siya din ang nag-iisang ina ng Teen King na si Daniel Padilla.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Napanood noon si Karla sa Magandang Buhay at kalaunan ay punasok sa mundo ng pulitika. Ngayon, bagong journay na ulit ang tinatahak ni Karla dahil siya ay bumalik sa pag-aaral. Masayang masayang bumalik si Karla sa pag-aaral. Sa kanyang edad na 47 years old, siya ay nag-aral muli sa Philippine Christian University.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

“And the Journey begins.🙏🏻🙏🏻👩‍⚕️ see you around the campus schoolmates!😁 wag nyo ako kulitin ha!“ saad ni Karla sa Instagram.

Excited na excited si Karla sa kanyang pagbabalik eskwela. Isa itong bagong landas sa kanya na ngayon ay isa na siyang ganap na estudyante muli.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Masayang masaya naman ang lahat sa kanya lalo na ang mga fans at netizens para sa kanya. Mababasa sa kanilang mga komento ang saya at suporta para kay Karla.

“For sure preparing for g0vt psts or as legislat0r. N0t b@d nman its her goal in life to serve and be qualified. Congrats Ms. Karla.”

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

“Go for it! Learning is a Non st0p process. I was back to school lately and just finished my healthcare course at the age of 56. God bless Karla”

“Congrats. Life is a “Continues Learning” one of my favorite quotes..”To stop learning is to stop living”