Kasambahay noon, isa ng licensed Pharmacist ngayon!

Walang imposible sa isang taong nagsusumikap at nagsisipag. Anoman ang hirap ng buhay, hindi nga naman ito dapat maging sagabal sa anomang gusto nating gawin sa buhay lalo na kapag usapang pangarap.

Credit: GMA News Youtube

Si Joanna Griño ay isang ehemplo ng pagiging isang masikap na estudyante. Mahirap lang sila Joanna at ang kanyang ate ang kanyang naging idolo sa pagsusumikap. Kaya siya ay namasukan na kasambahay habang siya ay nag-aaral.

Credit: GMA News Youtube

Mula Sorsogon, nakipagsapalaran si Joanna sa Maynila para makapag-aral. Dito siya namasukan bilang kasambahay para malibre sa pagkain at bahay. Habang ang tuition naman niya ay di na niya problema dahil ang kanyang ate na nakapagtapos na din ang siyang sumagot na nito.

Credit: GMA News Youtube

Inspirasyon ni Joanna ang kanyang ate. Ang kanyang ate Mary Jane ay nakapagtapos sa Adamson University bilang full scholar kaya pinamarisan niya ito.

Credit: GMA News Youtube

Ngayon naman, isa ng pharmacist si Joanna at matagumpay na rin.
“Sabi ko kila ate, ate pwede ba akong pumunta diyan sa Manila, kahit ano lang ’yung trabaho? Kasi alam ko po na wala akong future doon kundi ano lang, siguro baka nag-asawa na talaga ko kung nandoon lang ako sa Bicol,” saad niya.

Credit: GMA News Youtube

Anuman ang hir@p na dinanas ni Joanna, siya ay nagsumikap para sa kanyang pamilya.
“Hindi habang buh@y ganito ’yung sitwasyon k0. Kvmbag@ p0 k@h!t sobrang hirap gagawin ko at gagawa ako ng paraan para ma-push ’yung pangarap at natupad ko naman po, ph@rm@c!st na po ako ngayon,” lahad ni Joanna.

Credit: GMA News Youtube

Nang makausap naman ang ate ni Joanna na si Mary Jane. Dito niya nabalikan ang napagdaanan nila noong bata.

’Yung ultimo po asin, pisong asin, uutangin pa namin sa kapitbahay, ultimo isang pirasong sibuyas or bawang na pang-gisa,” lahad ni Mary Jane na mangiyak-ngiy@k. At dahil tapos na si Joanna, pay it forward naman ang kanyang gagawin sa kanyang kapatid na si Jethro. Siya naman ang magpapaaral sa kanya.