Kathniel Fans, nagulat sa nakakatuwang pag giling ni Daniel Padilla sa Tiktok kasama si Kathryn Bernardo at Gardo Versoza

Nag trending nga sa social media ang first ever tiktok dance video na ginagawa nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla kasama si Mr. Gardo Versoza.

Credit: Gardo Versoza instagram

Noong una ay makikita lamang sa video si Kathryn at Gardo lang  pero di kalaunan ay ginulat ang Netizen sa biglaang pag pasok ni Daniel sa video at gumiling giling.
Aliw na aliw ang KathNiel fans nang mapanood ang sikat na celebrity couple sa kanilang first tiktok video together.

Credit: Gardo Versoza instagram

At may nag pasalamat pa sa aktor na si Gardo Versoza dahil napakiusapan niya sina DJ at Kath na mag join sa kanyang tiktok video.

Credit: Gardo Versoza instagram

Ipinost ito ng character actor sa Instagram na agad namang pinusuan ng napakarami niyang followers. Umani rin ito ng daan-daang comments mula sa KathNiel fans.

May nagbiro pa nga sa facebook at sinabi na “si Gardo lang pala ang makakapag pa sayaw ng tiktok kay DJ”

Credit: Gardo Versoza instagram

Ginawa nila ang tiktok video na ito habang sila ay nasa set at pinaalam na rin ng KathNiel sa publiko ang bagong project na kanilang pagtatambalan, ito ay digital series na pinamagatan “The House Arr3st of Us”.

Credit: Gardo Versoza instagram

Eto ang sinabi ni Gardo sa kanyang caption sa instagram post.“Ito na po yung matagal niyo nang nirerequest cupcakes,”Pinasalamatan din niya ang king & queen of hearts dahil pumayag ang mga ito sa kanyang request.

Halos lahat ng nag-post ng comment sa TikTok video ni Gardo ay tuwang-tuwa kay Daniel. Bihira lang daw kasi nilang makita ang ganitong side ni Daniel sa social media.


Kung hindi kami nagkakamali, ini-record ni Gardo ang video sa set ng upcoming project nina Kathryn at Daniel, ang digital movie series na “The House Arr3st of Us” under Star Cinema.

Isa pang version ng tiktok dance video ang ipinost ni Gardo kung saan nakasama rin nina Kathryn at Daniel ang mga co-stars nilang sina Alora Sasam at Hyubs Azarcon.