KC Montero at baby nito,kinagiliwan ng mga netizen dahil sa cute na bonding nila mag-ama

Taong dalawampu’t siyam, buwan ng setyembre noong nagpakasal si KC Montero na American radio DJ, aktor at kasalukuyang Bise Presidente ng Marketing at Pinuno ng Nilalaman sa KUMU kay Stephanie Dods na isang model.

Credit: kc montero instagram

Matatadaan namang noong nakaraang taon, buwan ng agosto, sa pamamagitan ng isang taos-pusong liham at isang sentimental na video, masayang inihayag ni KC Montero na ang kanyang asawa na si Stephanie Dods, ay buntis sa kanilang unang anak at inaasahan nila itong lumabas sa buwan ng Disyembre.

Credit: kc montero instagram

“We love you and can’t wait to finally meet you come December.” saad nito. Lubos na masaya ang mag-asawa noong unang besis nila nakita ang kanilang anak na si Wyatt Cody Miller, noong Disyembre 14.

Credit: kc montero instagram

Sa kanyang mga social media account Sabado, Disyembre 19, nag-post ang KC ng larawan ng kanyang anak. “Your mom and I have been waiting a long time to meet you,” caption nito sa kanyang Instagram post.

Credit: kc montero instagram

Ngayon namang ilang buwan na ang nalipas simula ng napanganak si Baby Wyatt ay nakuha na nilang magpasyal at maglibang sa labas bilang isang pamilya.

Sa bagong post ni KC Montero sa kanyang Instagram account ay makikita na sila ay nagrelaks o nagswimming muna sa labas na para kahit papaano ay makaihip naman ng sariwang hangin at maaninag ng bata ang sikat ng araw lalo na ngayon ay maselan na lumabas dahil sa dulot ng COVID-19.

Credit: kc montero instagram

Sa caption ni KC na “Family pool day” ay ipinahiwatig na ito ang kanilang family day. Makikita naman sa kanilang mga mukha na sila ay masayang-masaya sa kanilang bonding at sinulit talaga nila ang oras ng bawat sandali.

Credit: kc montero instagram

Sa kabilang post naman ni KC na may caption na “Sunday’s be like….”, mayroong isang picture na kung saan pinapakita kung gaano kapogi ang kanilang kaisa-isang anak habang ito ay naka sunglasses at nasa salbabida . Hindi nga naman maipagkakaila na kuhang-kuha niya ang magandang lahi ng kanyang mga magulang.