Kilalanin ang dalawang kapamilya stars na ngayon ay ganap ng mga doctor


Nasa gitna man tayo ng p@nd3myang dul0t ng C0VlD, naipagpatuloy pa rin ang paglabas ng resulta ng November 2020 Physician Licensure Examination. Inilabas na noong November 26 ng Professional Regulation Commission ang pangalan ng lahat ng mga nakapasa.

Credit: Angeli Gonzales instagram

Malaking bagay nga naman ang ating mga bagong doktor na ito lalo na at nagkukulang pa rin tayo sa mga medical fr0ntliners na ating nakita noong kasagsagan ng pa@demya.

Credit: Angeli Gonzales instagram

Sa katunayan ay mayroong dalawang celebrities ang nakapasa sa Licensure exam. Sila ay sina Alec Dungo at Angeli Gonzales.

Credit: Angeli Gonzales instagram

Si Alec ay dating housemate sa Pinoy Brother: Teen Edition 4. Siya ay nagtapos ng medical degree sa University of Sto. Tomas na cum laude noong 2019. Sumalang man sa showbiz noon ay mas nakita ni Alec na mas magiging masaya at fulfilled siya sa kanyang medical career.

Credit: Angeli Gonzales instagram

“Siyempre sumali ako ng PBB noong 2012. Akala ko nong time na ‘yun doon ako papunta towards showbiz pero parang dumating sa point na na-miss kong mag-aral, na-miss kong mag-school, and even nong before I joined PBB naman, ‘yung dream ko talaga was to become a doctor. So nong ga-graduate na ako ng undergraduate course ko na BS Pharmacy, may turning point talaga na itutuloy ko mag-med school or ita-try ko mas mag focus sa showbiz?,” kwento ni Alec.

Credit: Alec Brandon Dungo instagram

Hindi lahat ay mabibigyang ng oportunidad na maging doktor kaya naman ito ang kanyang piniling propesyon na kanya namang napagtagumpayan.

Credit: Alec Brandon Dungo instagram

“Pinili ko ‘yung med school unang-una mas kaunti ‘yung tao na nabibigyan ng chance na makapag-pursue ng medicine and I think hindi lang siya basta trabaho, vocation din siya eh. Parang sa tingin ko mas nakikita ko sarili ko na ginagawa ‘yun na tumutulong sa ibang tao.

Credit: Alec Brandon Dungo instagram

Although mahilig din ako mag-perform in general so na-enjoy ko rin ‘yung mga ginagawa na ganon na aspect ng showbiz. Ayon, I guess sa time na ‘yun inisip ko lang san ko mas nakikita ‘yung sarili ko back in 2015, kung gusto ko maging doctor or mas mag-showbiz pero mas nakita ko ‘yung stability sa medicine kaysa sa show business,” pagpapatuloy pa ni Alec.

Credit: Alec Brandon Dungo instagram

Samantala, ang former child star naman na si Angeli ng Home Along Da Riles mula 2000 hanggang 2003. Taong 2012 – 2016, siya ay gumanap bilang April sa teen show na Luv U.

Credit: Alec Brandon Dungo instagram

Dito ay kasama niya sina Miles Ocampo at Marco Gumabao. Naibalita din sa atin ni Angeli ang kanyang pagkapasa sa kanyang social media account sa IG. Masaya naman ang lahat ng netizens para sa kanilang dalawa.