Kilalanin ang gwapong anak ni Karen Delos Reyes na si Gabriel Lucas

Ang aktres na si Karen delos Reyes ay ganap nang ina. Taong 2017 nang mabiyayaan si Karen ng baby boy. Ngayon, masasabing masaya ang buhay ni Karen bilang isang single mom. Nagsimula ang pamamayagpag ng career ni Karen sa industriya ng showbiz nang magkaroon siya ng appearance sa TV commercial ng Mcdo. Nakikilala siya sa role niya bilang “paboritong apo” sa commercial ng nasabing fastfood-chain.

Credit: karen de los reyes instagram

Tumatak ang commercial na ito dahil nakakaantig ito ng damdamin kung saan ang kwento ay tungkol sa mag-lolo. Si Karen ang apo habang ang gumanap naman sa role na lolo ay si Rudy Fancisco. Kung matatandaan na ang karakter ni Rudy dito ay isang makakalimuting lolo kaya naman imbes na matawag niya ang apo niya sa tunay niyang pangalan ay “Gina” ang nasasambit nito.

Credit: karen de los reyes instagram

 

Ngunit bago matapos ang commercial ay mayroong nangyaring nakapagpaantig sa puso ng maraming manonood. Mapapanood sa last scene na tamang pangalan na (Karen) ang nasambit ng lolo at pinagtira niya rin ng kalahating burger ang kanyang “paboritong apo” na si Karen.
Ang iconic commercial na ito ay inere noon pang taong 2001.

Credit: karen de los reyes instagram

Nagtuloy-tuloy naman ang kanyang career sa GMA Network. Naging bahagi pa siya ng iba’t ibang proyekto sa network pagkatapos ng appearance niya sa commercial na tumatak sa marami dahil sa kanyang karakter.

Credit: karen de los reyes instagram

Dahil sa ipinamalas niyang galing pagdating sa pag-arte ay nagsunod-sunod ang mga proyektong dumating sa kanya. Ilan sa mga proyekto sa telebisyon na naging siyang bahagi ay GMA-7’s defunct teen-oriented show na Click, Mulawin kung saan gumanap siyang k0ntrabida, at Mars Ravelo’s Darna.
Taong 2016 nang unti-unti itong magpahinga sa kanyang trabaho sa industriya.

Credit: karen de los reyes instagram

Huli siyang napanood sa comedy show na “Dear Uge” na ipinalabas sa nasabing taon.
Taong 2017 nang dumating si Gabriel Lucas, ang kanyang first-born child. Kailanman ay hindi ini-reveal ni Karen ang tatay ng kanyang anak ngunit minsan nang nabalita na ito’y non-showbiz.

Credit: karen de los reyes instagram

Isinilang ang baby boy noong October 22, 2017. Ngayong 2021 ay magiging 4 years old na si Gabriel.
Kung bibisitahin ang social media account ni Karen ay makikita kung gaano siya kasaya na maging ina ng kanyang anak. Hindi man madali ang maging single mom, mapapansin pa din kung gaano niya nae-enjoy ang motherhood.