Kilalanin ang ilan sa mga sikat na artista na mayroong bongga at napakagandang customized na sasakyan

Kasama sa buhay ng isang artista ang kanyang sasakyan. Halos nga sa mga artista ngayon ay nagiging bahay na nila ang kanilang mga sasakyan.Mas madalas pa nga yata silang nagstay sa kanilang mga sasakyan gaya ng mga van kaysa sa kanilang bahay.

Credit: Atoy Customs instagram

Ito kasi ang kanilang kasa-kasama sa kanilang mga biyahe sa mga concerts, sh00tings at mga tapings.Kaya naman, napakahalaga talaga sa kanila na maging maayos, presentable at komportable sila sa kanilang mga sasakyan.

Credit: Atoy Customs instagram

Marami din sa mga artista ngayon ang nagpapa customize ng kanilang mga sasakyan gaya ng van para mas maging komportable sila at mas makapagpahinga nila sa trabaho.
Mini house na nga yata kung titignan ang iba sa mga ito. Mula sa tulugan, pahingaan at entertainment room ay makikita mo na sa kanilang mga van.

Narito ang ilan sa mga artista na ipinakita nila sa atin ang laman ng kanilang mga customized van.

1. Michelle Gumabao
Ang kilalang volleyball player at ngayon ay beauty queen na rin na si Michelle Gumabao ang isa sa mga may napakagandang van. Isang Nissan Urvan Premium ang kanyang sasakyan na tamang tama sa kanyang mga laro at pageants.

Credit: Atoy Customs instagram

2. Kim Chiu
Napaka aliwalas din sa paningin at talagang comfy na comfy ang napakagandang van ni Kim. Sakto ito sa mga shootings at trabaho ni Kim sa showbiz na na makakapahinga siya dito.

Credit: Kim Chiu Youtube

3. Manilyn Reynes
Mala entertainment room naman ang dating ng customized van ni Manilyn mula sa mga napakagarang lights and sounds nito.

Credit: Manilyn Reynes instagram
Credit: Manilyn Reynes instagram

4. Claudine Barretto
Wala nga namang makakapantay sa napakagandang vibe ng mga ilaw at features ng van na ito ni Ms. Clau. Sophisticated nga naman talaga itong si Claudine na makikita din sa kanyang sasakyan.

Credit: Atoy Customs instagram
Credit: Atoy Customs instagram

5. Mariel Padilla
Family oriented naman ang disenyo ng van nila Mariel lalo na at mayroon silang mga maliliit na babies na magagamit ito kapag magkakasama sila.

Credit: Mariel Padilla instagram

6. Jinky Pacquiao
Siyempre, kung porma din ang usapan, hindi mawawala sa listahan ang van ni Jinky na makikita ang mga upuan nito ay talagang napakagara.

Credit: Jinkee Pacquiao instagram