Kilalanin ang kasintahan at ama ng napakacute na anak ng aktres na si Ryza Cenon

Sa instagram nga ni Ryza Cenon nagbahagi siya ng larawan nila ng kanyang asawa na si Miguel Cruz kung saan sila ay nakatayo sa isang napaka gandang view. Narito ang pagbati ni Ryza na sinabi nya sa kanyang caption,

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

“To my partner in cr!m3 @miguel.antonio.cruz Happy Birthday and Happy Anniversary. Thank you for everything that you have done for us. Please stay healthy and safe, especially at work. We love you dada. 🥰💋” Kasabay nga ng kaarawan ni Miguel Cruz ay ang anniversary rin nila ni Ryza Cenon.
Sumagot naman sa komento ang asawa nyang si Miguel Antonio Cruz at sinabi na,
“Thank you mommy!!! Happy anniversary. ❤”

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Masaya nga si Miguel Cruz sa kanyang kaarawan dahil laging nandyan ang kanyang asawa at ang kanilang anak na si baby Night. Marami rin ang nag komento ng pagbati para kay Miguel sa post ni Ryza Cenon.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Bumati nga ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nilang mag-asawa. Sa instagram account naman ni Miguel Cruz ay makikita ang mga black and white na larawan ng kanyang mga anak, madalas nga kuhanan ng magagandang larawan ni Miguel ang kanilang napaka cute na baby boy.

Credit: Ms. Ryza Cenon instagram

Isa naman sa binigyan ng oras ni Ryza Cenon ngayon ay ang pag bahagi nya ng videos sa kanyang youtube channel. Sa mga vlogs nga ni Ryza Cenon ay madalas kasama nya ang kanyang asawa na si Miguel Cruz at ang kanilang anak na si Night.

Dito nga nakikita kung gaano na ka bibo ang baby boy nina Miguel at Ryza Cenon na si baby Night.
Si baby Night nga ang nagbibigay kulay at nagpapasaya sa kanilang maliit na pamilya. Madalas rin makipag laro si Ryza at Miguel kay baby Night at eto na ang kanilang nagiging bonding habang sila ay nasa loob ng kanilang bahay.