Kilalanin ang lalaking nagpapatibok sa puso ng aktres na si Valeen Montenegro

Sa Instagram ng aktres na si Valeen Montenegro na may username na “@valeentawak”, ipinarating niya sa social media ang pagdiriwang sa anniversary nila ng kanyang boyfriend.

Sa Instagram post ay makikita ang ilang captured moments ng couple kung saan masasaksihan na tila sila ay nagha-hiking rito. Sila ay nasa mataas na parte o nasa bundok at napapalibutan ng magagandang tanawin.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Mababasa naman sa caption ang short, sweet message ni Valeen para sa kanyang boyfriend na “I love loving you. Happy Anniversary @rielmanuel ❤️”. Binati niya ang kanyang boyfriend bilang pag-celebrate sa kanilang anniversary at hindi niya rin naman nakalimutang ipahayag ang pagmamahal niya sa kanya.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Kapansin-pansin ang sweetness ng couple sa mga pictures kung saan sila ay makikitang magka-akbay at magkayakap. Mapapansin din naman ang magandang overlooking view sa background nila. Mayroon din silang selfie sa bandang huling pictures na makikita rin sa nasabing post.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Closeup ang picture at naka-focus sa kanila kaya naman kapansin-pansin ang natural na kagandahan at kagwapuhan na taglay ng dalawa. Mapapatunayan naman talaga sa kanilang mga mukha ang saya na nararamdaman nila sa isa’t isa dahil sa malalaki nilang mga ngiti.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Mapapatunayan ring na-enjoy nila ang quality time na ito at na-appreciate pa ang nature.
Sa comment section makikita ang mga greetings at comments ng mga netizens pati na rin ng ibang showbiz personalities.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Si Lovie Poe at Yasmien Kurdi ay nagcomment ng mga heart eyes emoji.
“Grabe yung i love loving you🙌❤️” ang comment naman ng aktres na si Ina Feleo. An aktor naman na si Benj Manalo ay nag-greet ng “Happy Anniversary 😍😍😍” sa dalawa. Si Valeen Montenegro Vicente ay isang Filipina actress, comedian, at model. Taong 2006 nang simulan niya ang kanyang career sa industriya ng showbiz.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Marami na rin siyang naging proyekto sa industriya kung saan siya ay mas lalong nakilala. Habang ang boyfriend niya namang si Riel Manuel ay isang Filipino Business Professional. Kung bibisitahin ang Instagram account niya na may username na “@rielmanuel” ay masasaksihan ang kanyang galing pagdating sa photography at cinematography.

Credit: Valeen Montenegro instagram

Makikita din sa kanyang feed ang mga pasilip niyang sh0ts. May mga nakatrabaho na rin siyang mga kilalang showbiz personalities. Taong 2018 umano nang magsimulang mag-date sina Riel Manuel at Valeen Montenegro.