Kilalanin ang magagandang anak ni Alfred Vargas na sina Alexandra at Aryana

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa magaling na aktor na si Alfred Vargas? Matatandaang unang nakilala si Alfred nang maging parte ito ng ABS-CBN star magic o mas kilala noon bilang Star Circle ngunit hindi nagtagal ay lumipat ito sa GMA network kung saan mas nakilala ito ng mga viewers.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Sa pag-labas nito sa GMA network ay nagkaroon ito ng iba’t ibang proyekto at oportunidad sa mundo ng showbiz kaya naman nagkaroon ito ng pagkakataon upang ipamalas ang kanyang galing sa pag-arte at iba pang talento.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Hindi lamang sa pag-arte magaling si Alfred dahil ngayon ay kasalukuyan itong Representative ng 5th District sa Quezon City at hindi lamang iyon dahil kamakailan-lamang ay nagtapos ito ng kanyang master’s degree sa public administration sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Makikita na napaka-raming achievements ang nakamit ni Alfred sa mundo ng showbiz at sa mundo ng pulitiko kaya naman sa kalagitnaan ng lahat ng ito ay nakilala niya ang kanyang napangasawa na si Yasmine Vargas.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Nitong buwan ng Hulyo lamang ay ipinagdiwang na ng mga ito ang kanilang ika-11 na taong anibersaryo at sa lagpas isang dekada na pag-sasama bilang mag-asawa ay biniyayaan na ang mga ito ng tatlong naggagandahan at nagga-gawapuhang mga anak.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Kaya naman mas nagkakaroon ng inspirasyon si Alfred upang maging mas mabuti at mas magaling na aktor at politician at makamit pa ang kanyang iba pang pangarap para sa kanyang pamilya lalo na at lumalaki na ang kanyang mga anak na mapapansin sa Instagram post ni Yasmine.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Kamakailan-lamang ay nagpost si Yasmine sa kanyang Instagram account ng mga letrato ng kanilang tatlong anak ni Alfred dahil sa araw na iyon ay ang unang klase ng kanyang mga anak.

Sa unang letrato ay makikita ang letrato ng kanyang tatlong anak na sina Alexandra, Aryanna at ang kanilang nag-iisang anak na lalaki na si Alfredo. Mapapansin kung gaano ka-artistahin ang mga ito dahil talagang namana nila ang ka-gwapuhan ng aktor at ang kagandahan ni Yasmine.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Kaya naman kung pipiliin ng mga ito na pasukin ang showbiz ay walang dudang magkakaroon ang mga ito ng maraming taga-hanga at taga-suporta tulad ng kanilang ama. Sa pangalawang letrato naman ay solong-solo ng dalawang magagandang anak  na babae ni Yasmine at Alfred ang letrato kung saan naka-suot pa ito ng kanilang school uniform na lalong nagpa-tingkad ng kanilang natural na ganda at kutis.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

“First day of school for my kulits! Grade 6, grade 5 and toddler’s class. Went to sleep at 3am, woke up at 6:50 am kaya ngarag and senti na mommy ako today🤣. Still can’t believe na graduate na ng elementary si Alexandra next year🙈. Ang BILIS!” saad ni Yasmine sa kanyang caption.