Kilalanin ang nagpapatibok ng puso ni Sue Ramirez na si Javi Benitez

“Love is in the air” eto ang ipinapakita sa Socia Media ng aktres na si Sue Ramirez at kanyang bagong boyfriend na si Javi Benitez na anak ng dating Congressman ng Negros Occidental na si Albee Benitez.

Credit: Javi Benitez instagram

Walang ginawang kumpirmasyon ang dalawang mag kasintahan ngunit hindi rin naman nila ito itinatanggi sa media. Sa mga sweet pictures na ipino-post nina Sue Ramirez at Javi Benitez sa kanila-kanilang mga Instragram account ay makikita mo talaga na sila ay isang happy couple.

Credit: Javi Benitez instagram

Makikita sa mga bawat post nila kung paano nagsimula ang kanilang relasyon dahil noong October 13, 2019 ay nagpost si Javi Benitez ng isang picture kasama si Sue sa kanyang Instragram account.
Makikita sa mahabang caption ng aktor na masayang-masaya ito na nakasama niya ang aktres sa isang palabas na pinamagatang “Kid alpha one.”

Credit: Javi Benitez instagram

Ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawa. Sa post ni Javi ay nais niyang ibahagi ang kanyang appreciation sa aktres dahil nakita niya kung gaano ka pursigido ito nang makasama niya ito.
Makikitang sa post na ito ay mayroon nang malapit na relasyon ang dalawa.

Credit: Javi Benitez instagram

Kalaunan ay nagpost muli ang aktor ng isang picture kasama ang aktres at may caption na birthday message para kaya Sue. Dito ay nakumpirma na ng netizens ang relasyon ng dalawa. Ayon sa caption ni Javi, Kahit magulo man ang mundo ay hindi sila mabibigo at ang pagmamahal nito sa aktres ay hindi magbabago.

“Palangga palangga gid (mahal na mahal talaga).” Ani pa nito. Simula nang araw na iyon ay madalas nang ibinabahagi ng mag-kasintahan ang kanilang mga sweet moments sa kanilang mga kanya-kanyang Instagram account.

Credit: Javi Benitez instagram

Kamakailan-lamang ay nagpost si Sue ng kanilang letrato ni Javi na may caption na “My love❤️✨.”
Makikita sa letrato kung gaano ka sweet at kasaya pa rin ang mga ito sa isa’t isa dahil mahigpit na yinayakap ng aktres ang kanyang kasintahan sa letrato. Mapapansin din ang sweet na comment ni Javi sa ipinost ng kanyang kasintahan at sinabing “Love you😍.”

Samantala, si Sue ay gumaganap ngayon sa isang sitcom ng TV 5 na may pamagat na “Oh My Dad” na directed by Jefrrey Jeturian kasama ang aktor na si Ian Veneracion at ang aktres na si Dimples Romana.

Credit: Javi Benitez instagram

Nitong Oktubre lamang lumipat ng TV5 network ang mga cast nito upang ganapin ang nasabing show.
Sa kabilang banda naman ay nagpaalam na si Javi Benitez nitong Abril sa ABS-CBN series na “Walang hanggang p@alam” na natapos din pagkatapos ng dalawanag linggo. Wala ring ibang anunsiyo kung ano ang mga bagong proyekto ng aktor.