Kilalanin ang napakacute na anak ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle

Ang mga anak ang isa sa mga pinaka-importante sa buhay ng isang magulang, sila rin ang itinuturing na tunay na kayamanan ng mga ito at isa ang magaling na aktres na si Ara Mina ang talaga namang pina-hahalagaan ang kanyang unica hija.

Credit: @therealaramina instagram

Dahil kamakailan-lamang ay nagbahagi si Ara Mina sa kanyang Instagram account ng mga letrato ng kanyang anak na si Amanda Gabrielle at mayroon pa itong kasamang sweet na mensahe para sa kanyang nag-iisang anak sa caption nito.

Credit: @therealaramina instagram

Makikita sa unang letrato ang napaka-gandang little bride na si Amanda Gabrielle dahil sa kanyang suot-suot na white ball gown na terno pala sa naging wedding gown ng aktres sa naging kasal nito kamakailan-lamang din.

Credit: @therealaramina instagram

Makikita sa pangalawang letrato ang mag-ina na talagang bagay na bagay ang kanilang mga white gown sa kasal ni Ara noon. Ipinasadya talaga ni Ara ang parehong design ng gown nila ng kanyang anak kaya naman matching talaga ang mga ito at pareho pang hawak na bouquet.

Credit: @therealaramina instagram

Sa iba pang mga letrato ay makikita ang cute na cute na poses ni Amanda Gabrielle at makikita kung gaano ito ka-kulit at ka-bibong bata. Cute na cute ito sa mga ipinakitang pose sa camera.

At siyempre hindi mawawala ang mga moments at letrato ng mag-ina bago magumpisa ang kasal. Mapapansin na mayroong maganda at malapit na relasyon sina Ara at ang kanyang anak dahil sa mga letratong ibinahagi nito.

Credit: @therealaramina instagram

Hindi lamang si Ara ang mayroong magandang relasyon sa ana dahil pati rin ang napangasawa ni Ara na si Dave Almarinez na ngayon ay step father na nito ay mayroon ding napaka-gandang relasyon na mapapansin din sa mga letrato.

Credit: @therealaramina instagram

“My treasure❤️ I thank God everyday for her. My daughter is one of the greatest gifts I’ve ever gotten. She is a little star and my life has changed so much for the better since she came along.” Saad nito sa kanyang caption.

Credit: @therealaramina instagram

Talaga namang sobra ang pasasalamat ni Ara sa Diyos sa pagbibigay nito ng magandang biyaya at ito ay ang anak niyang si Amanda Gabrielle kaya naman hindi mapigilan ni Ara ang pasalamatan din si Amanda sa pagiging mabait na anak. “Thank you for being such a sweet and good daughter. I love you so much my Amanda Gabrielle😘 Tito Dave loves you… We all love you” dagdag pa nito.


Credit: @therealaramina instagram