Kilalanin ang napakagandang anak ni Maritoni Fernandez na si Lexi Alvarez

Nakilala ang aktres na si Maritoni Fernandez sa kanyang pagiging aktres. Siya ang isa sa mga aktres na nagiging kapareha ni Fernando Poe Jr. sa kanyang mga pelikula.
Pero bukod sa pagiging aktres, si Maritoni ay isa ding maalaga at mapagmahal na ina sa kanyang mga anak. Isa sa kanyang mga anak ay ang napakagandang si Lexi Fernandez.

Credit: Lexi Alvarez instagram

Isinilang si Lexi noong January 5, 1995 sa Manila, Philippines. Siya ay nakilala bilang isang Filipino actress, host, singer at dancer. Nagmana nga naman talaga siya sa kanyang ina na isa ding magaling na aktres.

Credit: Lexi Alvarez instagram

Napakaganda nga naman talaga ni Lexi. Nakuha niya ang kanyang pagiging mestiza sa kanyang inang si Maritoni. Sila din kasi ay half-English na may Irish roots kaya naman talagang lutang lutang ang kanilang ganda.

Credit: Lexi Alvarez instagram

Habang siya ay lumalaki, nagustuhan din ni Lexie na pasukin ang mundo ng showbiz. Nagsimula ang kanyang acting career sa GMA Network. Dito ay napanood si Lexi sa iba’t ibang mga shows at teleserye na inabangan nating lahat.

Credit: Lexi Alvarez facebook

Napanood si Lexi sa iba’t ibang mga pelikula. Gaya ng mga pelikula na Because Of You bilang Clara Salcedo noong 2015. Taong 2014, siya ay naging bahagi din ng My Destiny Rose. Maging sa Maynila at Magpakailanman ay napanood natin siya.
Lumabas din siya sa teleseryeng Kakambal ni Eliana bilang si Margarita “Marga” Dominguez. Taong 2012 at 2013 naman ay sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa at Magdalena.

Credit: Lexi Alvarez facebook

Siya din ay naging bahagi ng Together Forever bilang si Shirley Custoya at Alice Bungisngis and her Wonder Walis bilang Queenie Delos Santos.Noong 2011, siya ay napanood din sa Iglot bilang Danielle, Time of My Life, Nita, Ilumina, Reel Love Presents: Tween Hearts.

Credit: Lexi Alvarez facebook

Ngunit noong 2015, tumigil siya sa showbiz at nagpahinga.Pero, ngayon ay isang masaya at malusog na Lexi ang ating makikita sa kanyang IG Na talaga namang pinuri ng nga netizens.