Kris Bernal. pinakilig ang mga netizen dahil sa sweet na photosh00t nila ng fiance na si Perry Choi

Matatandaang noong Mayo 2020 ay ibinahagi ni Kris Bernal ang balitang engage na ito sa kanyang partner sa buhay na si Perry Choi na kilala bilang isang magaling na chef at business man ngunit ni- reveal nitong noong Pebrero ng taong 2020 pa nag- propose si Perry sa kanya.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ibinahagi ni Kris na dapat ay bibigyan niya ng surprise birthday party ang kanyang boyfriend noon ngunit si Perry pala ang may sorpresa para sa kanya sa araw na iyon.
Matapos ng ilang buwan ay nitong Hunyo nagbahagi si Kris at pati na ang Nice Print Photography ng mga prenuptial pictures nila ni Perry at ni- release ang mga picture na ito sa dapat na date ng kanilang wedding day sa kanilang Instagram account.

Credit: Niceprintphoto instagram

Sa kanilang prenuptial photosh00t ay nagpakita ang dalawa ng mga sweet na sweet pose na talaga namang mapapansin kung gaano ka- inlove ang mga ito sa isa’t isa. Maganda ang resulta ng mga naging prenup pictures ng mga ito dahil ang kanilang theme ay kakaiba.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ang kanilang theme sa photosh00t ay all-white na naging dahilan kung bakit mas naging engrande at formal ito, isama mo pa ang kanilang magagandang ngiti na ipinakita sa harap ng camera habang enjoy na enjoy sa kanilang ginagawa.

Credit: Niceprintphoto instagram

Hindi rin nagpahuli ang suot- suot na ivory double-breasted suit at flared pants ni Kris na all-white rin na very unusual para sa mga nagiging prenuptial photos ng mga soon to be bride. Kaya naman hindi common ang kanilang theme kumpara sa mga tradisyonal na prenup photosh00t.

Credit: Niceprintphoto instagram

Kahit na hindi ito ang talagang pinlano na prenuptial photoshoot ng dalawa ay masayang- masaya pa rin ang mga ito sa naging resulta ng kanilang mga letrato dahil ayon kay Kris ay kahit saan man ganapin ang kanilang prenup shoot ay ayos lang sa kanya basta magkasama sila ni Perry at masaya ang mga ito sa kanilang ginagawa.

Credit: Niceprintphoto instagram

Ibinahagi naman ni Kris sa kanyang Instagram post na dapat ay magkakaroon sila ng prenup sh00t sa bansang South Africa kung saan matatagpuan ang Safari at lahat ng kailangan ay naka-plano at ready na ngunit nang dahil sa p@ndemya ay napilitan ang mga ito na magkaroon ng iba pang plano.

Credit: Niceprintphoto instagram

Isa rin sa naging rason kung bakit hindi natuloy ang kanyang wedding day nitong Hunyo ay dahil na rin sa p@nd3mya kaya minabuti ng mga ito na wag na munang ituloy sa ngayon.

Credit: Niceprintphoto instagram

Kaya naman humanap talaga ang mga ito ng paraan kung saan mayroong lugar na medyo kamukha ng kanilang theme na South African ambiance at napili nila ang isang secluded glamping site na may luxurious geodesic dome tents kung saan ginanap ang kanilang prenup shoot na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas.