Kristine Hermosa, isinilang na ang kanilang pang limang anak na si Baby Isaac

May bagong biyaya nanaman ang dumating sa pamilya Sotto. Kailan lamang nang i-welcome ng mag-asawang Kristine Hermosa-Sotto at Oyo Boy Sotto ang kanilang 5th child.
Sa latest post ni Oyo, ibinahagi niya ang closeup picture ng kanilang newborn baby boy. Kitang-kita naman sa litrato ang bawat detalye ng napaka-amo at gwapong mukha ng anak ng celebrity parents na sina Kristine at Oyo. Kapansin- pansin rin ang magandang kutis na taglay nito.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Mababasa naman sa caption ang detalye ng panganganak ng kanyang asawa. Aug. 3, 2021,11:47 p.m. isinilang ang kanilang baby boy. Sa pangalawang picture namang naka-attach rin sa nasabing post ay makikita ang first picture ng mag-asawa kasama ang kanilang newborn 5th child.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

“Lord Jesus maraming salamat! You are faithful!❤️ Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga🙏🏼” ang masaya namang pahayag ni Oyo.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Talaga nga namang tamang tama lamang ang oras ng paglabas ng kanilang baby boy dahil nakuha pang makapagtrabaho ni Oyo noong umaga sa araw na iyon at pagkatapos ay nasamahan niya ang asawa niyang si Kristine sa delivery o lab0r room sa isang 0spital.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

“To my family and friends, thank you for all your prayers😊 i love you ❤️” dagdag pa ni Oyo.
“Welcome to the world Vittorio Isaac😍 i love you @khsotto 😍🥰😍” ang pagtatapos ng celebrity dad sa kanyang caption.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Binanggit niya rin sa caption ang pangalan ng kanilang anak. Makikita naman sa comment section ang pagbuhos ng congratulatory messages ng mga netizens pati na rin ng ilang mga personalidad sa industriya ng showbiz.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Maaalalang buwan ng December nang i-announce ng dalawa sa publiko na sila ay nabiyayaan muli ng isang supling. March naman nang sila ay mag-gender reveal at ibinahagi sa social media na isang baby boy ang ipinagbubuntis ni Kristine.

Credit: Kristine Hermosa-Sotto instagram

Ikinasal sina Oyo at Kristine noong 2011. Kasalukuyan silang may limang anak. Sa parehong taon nang i-welcome ng mag-asawa ang kanilang first biological daughter na si Ondrea Bliss at nang ampunin nila si Kristian Daniel na kanilang eldest son. Pagkatapos ay magkasunod-sunod nang mga lalaki ang kanilang mga anak at sila ay sina Kaleb Hanns, Marvic Valentin, at ang bunsong si Vittorio.