Lara Quigaman-Alcaraz, isinilang na ang kanilang pangatlong anak na si Baby Moses

Matagal na nating inaabangan ang magiging newborn baby ng magasawang basketball player na si Marco Alcaraz at si Miss International 2005 Precious Lara Quigaman.
Ito na ang bunsong anak ni Marco at Precious. Dalawa na ang anak nila, ang kanilang panganay na anak na si Noah at ang ikalawang si Tobias.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz instagram

Ngayon, ang kanilang ikatlong baby ay isa pa ding baby boy na si Baby Moses. Ibinahagi ni Lara ang larawan ni Baby sa Instagram ngayon, Huwebes, September 18.Makikita sa larawan ang cute na cute na si Baby Moses. Manang mana sa kanyang mga magulang sa kanyang kagwapuhan. Ang isang larawan ay makikitang kalong siya ni Lara. Habang ang isa naman ay maaaninag ang kanyang cute face.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz instagram

Lubos naman ang pasasalamat ni Lara at Marco sa Panginoon sa ligtas at malusog na panganganak.”Thank you Jesus for another undeserved gift…. My heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe,” pasasalamat ni Lara sa IG.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz instagram

Nakaabang nga naman tayong lahat lalo na at napanood natin sa kanilang mga vlogs ang pagpapa check up ni Lara noong l0ckdown. Parang kailan lang noon inaaalam pa natin ang gender niya, at ngayon ay naisilang na si Baby Moses.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz instagram

Samantala, siguradong excited na excited naman na si Noah at Tobias na makikita na nila ang kanilang bunsong kapatid.Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizens na tuwang tuwa sa kanila.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz instagram

“Congrts po miss lara quigaman and marco alcarez to the cute and handsome bby boy..”
“Congrats Miss Universe Lara Quilantang for a bouncing baby girl””Congrats Po Ms.lara quigaman alcaraz and Mr.Marco Alcaraz for sharing your cute little angel😘😍😍❤️❤️❤️”

 

View this post on Instagram

 

My handsome little Momo 💙 @mosesalcaraz

A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman) on


“at least buong mukha ang pinakita di yong paa o daliri o bulaklak lng. congratulations to the couple for sharing the beautiful & innocent face of their angel.”
“Ka gwapong bata 😍 congrats po ☺️Thanks To God🙏”