Liz Uy, isinilang na ang kanyang pangalawang anak na si Matias!

Credit: Liz Uy instagram

Tunay nga naman na “Love conquers all”, pinatunayan ito ng celebrity stylish na si Liz Uy at ng businessman husband nito na si Raymond Racaza.

Credit: Liz Uy instagram

Ipinanganak na ni Liz and second baby nila ni Raymond na isang napaka lusog na baby boy.
Sa instagram post ni Liz noong Miyerkules, March 3, ipinost niya ang isang larawan kung saan makikita ang isang napaka cute nitong baby na hawak hawak ang kamay ng kanyang daddy.

Credit: Liz Uy instagram

Sa caption ng celebrity stylish sinabi nito na “Meet our Matias,”, Inulan naman agad ng congratulatory message mula sa kanyang mga followers at maging ang mga celebrity friends nila na sina Mariel Padilla, Georgina Wilson, Kaye Abad at Karen Davila ay nakibati sa bagong blessing ng couple.

Credit: Liz Uy instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy)

Matatandaang inanunsyo ni Liz ang pregnancy niya kay baby Matias kasabay ng kasal nila ni Raymond Racaza noong December 2020. Naengaged naman ang couple noong October 2020. Si Matias ang pangalawang anak ng dalawa at ang panganay nila na si Xavier o Xavi ay opisyal nilang ipinakilala sa publiko noong taong 2018.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy)