Look-a-like na kapatid ni KC Concepcion na si Cloie, ikinasal na sa Sweden

Isa sa mga half-sister ni KC Concepcion si Cloie Skarne, siya ay kapatid ni KC sa kanyang ama na si Gabby Concepcion. At ngayon, isang masayang selebrasyon sa buhay ni Cloie ang naganap. Ikinasal na si Cloie sa kanyang fiancé na si Fredrick Hill sa Sweden.

Credit: @cloiesyquia Instagram

Sa espesyal na araw na ito, nakadalo ang kanyang ate na si KC Concepcion. Ipinost ni KC ang kanyang pagdalo sa kasal sa kanyang Instagram page. Makikita ang mga larawan ni KC sa Stockholm.

“In Sweden for my sister’s wedding. GRATTIS @cloiesyquia & @hillfredrik from my family to yours,” lahad ni KC sa kanyang caption.

Credit: @cloiesyquia Instagram

Sa post na ito, pinasalamatan ni KC ang ina ni Cloie, na si Jenny Syquia. Siya ay dating aktres din. Nagpasalamat si KC sa pag welcome sa kanya sa Sweden at naramdaman niya na siya ay kabahagi na din ng kanilang pamilya.

Credit: @cloiesyquia Instagram

“Thank you tita @jennysyquia and Filip for being so so gracious – and to the wonderful Skarnes for being so warm and welcoming me like family. Precious weekend!,” saad ni KC.

Isang beauty queen si Cloie, at masaya siyang naikasal sa kanyang l0ngtime boyfriend sa Djursholm’s Chapel in Sweden noong, July 9.

Credit: @cloiesyquia Instagram

Matatandaang noong 2020 kasagsagan ng p@nd3mya nang maging engaged si Cloie kay
Fredrick. Napagdesisyunan nila ito matapos ang anim na taon nilang pagsasama.

Magkapatid si KC at Cloie. Mas matanda ng sampung taon si KC kay Cloie. Anak ni Gabby Concepcion si KC kay Megastar Shar0n Cuneta habang anak naman ni Gabby si Cloie kay
Jenny Sequia.

Bukod pa sa kanila, may kapatid pa sila na anak ni Gabby kay Grace Ibuna na si Garie Concepcion, na isa namang singer. At dalawa pa na sina Samantha at Savannah sa kanyang asawang si Genevieve Yatco Gonzales.

Sa kabila nito, maayos ang kanilang relasyon at masaya sila bilang magkakapatid.