Luis Manzano at nobya nitong si Jessy Mendiola, engaged na!

Parang kailan lamang noong umamin na si Jessy Mendiola sa dating status nila ni Luis Manzano matapos malaman na nagsalita na rin tungkol dito ang TV host-actor sa presscon nito, noong Hulyo 11 taong dalawáng libó’t labíng-anim na inamin ni Luis na nagdi-date nga sila ni Jessy ngunit hindi na siya nagbigay ng detalye tungkol dito.

Credit: Luis Manzano instagram

Noong buwan lamang ng agosto ng kasalukuyang taon, Aminado si Luis Manzano na minsan na niyang naisip hiwalayan ang nobyang si Jessy Mendiola sa mga pagkakataong nag-aaway sila. Inamin ito ni Manzano sa bagong YouTube vlog ni Mendiola, kung saan nagkaroon ang magkasintahan ng “heart-to-heart talk.”

Credit: Luis Manzano instagram

“Lahat naman tayo may mga matit!nding away. It’s not always lambing,” ani Manzano.

Tingin naman ni Mendiola, lahat ng relasyon ay dumadaan sa ganoong pagkakataon.
“It’s okay to think of those things pero kailangan babalikan mo rin ‘yong thought kasi kung why you’re in a relationship.”

Credit: Jessy Mendiola instagram

Talaga naman mahaba ang pasensya nitong dalawa. Kung nga naman mahal mo ang isang tao kaya mo itong pagpasensyahan dahil kailangan mong tanggapin kung ano man ugali ng iyong partner.

Credit: Jessy Mendiola instagram

Dahil kung sigurado ka na siya na ang papaksalan mo ay kailangan mong buong puso tanggapin ang kanyang pakikisama o pag-uugali sapagkat siyay makakasama mo na habang buhay.

Buwan naman ng Nobyembre, kasalukuyang taon pa din ay nagbiga ng pahiwatig ang ina ni Luis Manzano na si “Ate Vi”, dahil nadulas si Ate Vi sa guesting niya sa Usapang Real Life ni Luchi Cruz Valdez.

Credit: Jessy Mendiola instagram

Nang tanungin siya ng TV host kung kailan nga ba ang kasal nina Luis at Jessy, mabilis na tinugon ito ng Star for All Seasons ng: “Soon, soon.” At isa rin na nagbigay ng pahiwatig ay si Jesse noong nag post din ang aktres ng isang engagement ring kung saan napakalaki ng diamond nito.

Credit: Jessy Mendiola instagram

At ngayon, Ang Tv host na si Luis Manzano at ang aktres na si Jessy Mendiola, ay totally engaged na. Dalawang oras pa lamang nooong nag post si Luiz ng mga larawan nilang dalawa na nasa beach sila at ang dalawa ay masayang tinitigan ng puno ng pagmamahalan ang engagement ring na suot suot ni Jessy.

Ito ang naturang caption ng ig post ng aktor, “TheHowHows ❤️❤️ #jessgotlucky @patdy11” Sino nga ba naman hindi masisiyahan sa kanila na kahit na p@ndemya at nakuha pa din nilang icelebrate ang kanilang mahalagang araw sa beach.

Makikita sa seksyon ng mga komento ang mga nagsi-bati sa dalawa, nangunguna dito ang mga kapwa nila artista at mga kanilang taga suporta. Tulad na lamang ng mga ito.

“Waaaaaaaah! Sabi ko na eh!!! Congraaaats!!!!! @luckymanzano @senorita_jessy” @yeng
“Finally !!! The moment we have been waiting for!!! Congratulations howhows!!! We’re happy for you !

God Bless your relationship ♥️♥️♥️ #JessGotLucky” @telet0204
“Congrats!!! ❤️❤️❤️” @kimpoyfeliciano