Luis Manzano, di makapaniwala sakanyang sinabi sa kanyang yearbook nong nag aaral pa sya na talagang nagdulot ng katatawanan sa socmed

Sa yearbook nga naten makikita ang mga bagay na ating ginawa noong tayo ay nag aaral pa. Maalala rin ang mga masayang araw kasama ang mga naging kaklase ay guro. Pinag isipan naman talaga kung ano ang isusulat rito, at balang araw ay mapapansin mo kung bakit nga ba ganon ang naisulat.

Credit: Luis Manzano instagram

Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang kanyang yearbook kung saan nag pa throwback sa kanya.“Ano pinagsasasabi ko dyan?!?!?! HAHAHAHAHAHAHA bangag ba ako noon??? HAHAHAHAHHAHA nakanguya Yata ako ng maduming tsinelas. Pero sabagay, pwede naman simulan sa ‘a wise philosopher once said’,” natatawang sabi ni Luis sa kanyang caption.

Credit: Luis Manzano instagram

Makikita naman ang kanyang sinambit noon na quote na,“Life and nature are two things needed in our everyday life. Life needs nature; while nature also needs life. It is like a cycle that happens everyday, maybe we didn’t yet notice it, but it happens all day and night.”

Credit: Luis Manzano instagram

Kasama rin pala etong si Luis sa miyembro ng Chess Club at Basketball team na naglalaro sa Intramurals.

Credit: Luis Manzano instagram

Tawang tawa nga si Luis sa kanyang sarili ng makita at mabasa muli ang quotes na ito. Pero nag papatunay naman na bata palang sya ay kaya na nyang umintindi sa kahalagahan ng kalikasan.

Credit: Luis Manzano instagram

Talaga naman na napaka importante ng kalikasan lalo na para sa ating mga tao. Dito rin napa alala ni Luis na ang kalikasan at ang tao ay kailangan ang isa’t isa. Kaya naman dapat naten mahalin at alagaan ang inang kalikasan gaya nalang ng pag aalaga nito sa atin bilang tao.

Credit: Luis Manzano instagram

Isang paalala nga naman ito sa atin ni Luis na maging tagapangalaga ng kalikasan at maging ehemplo sa iba na alagaan ang ating mundo. Matatawa ka man dito pero maiisip mo nga naman na tama at dapat isaisip ito.