Luis Manzano, napatawa ang mga netizens dahil sa kanyang ig post na ” Maganda ang mommy, gwapo ang daddy at yung resulta? para akong pusit na kinal@dkad ng tren e”

“Kung ano ang puno, siyang bunga,” iyan nga naman ang laging sinasabi sa mga anak. Sigurado daw na mayroong kamukha ang bata sa kaniyang mga ama at ina. Kaya naman, pag naisilang na ang isang bata ay agad tinatanong kung sino daw ba ang kamukha nito, kung si Daddy ba o si Mommy.

Credit: Luis Manzano instagram

Sa isang latest IG post ng host na si Luis Manzano, nag throwback siya ng larawan ng kanyang mga magulang. Ang kanyang mga magulang ay ang de kalibreng aktor at host na si Edu Manzano at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Credit: Luis Manzano instagram

Black and white pa ang larawan ni Vilma at Edu dito. Matagal-tagal na ring nakuhanan tong throwback pic na ito at nakakatawa lang na nakuha pang makalkal ito ni Luis at naipost sa IG. Matatandaang isa sa mga celebrity couple noon si Ate V at Edu. Marami ang kilig na kilig sa kanila, on cam man o off cam.

Kaya naman, talagang marami ang umaasa na magtatagal sila at makakabuo ng masayang pamilya.
Nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan. Naisilang si Luis Manzano o tinawag din itong “Lucky”. Kalaunan, sumunod din itong si Luis sa yapak ng kanyang mga magulang na pasukin ang showbiz industry.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

“Maganda ang mommy, gwapo ang daddy… at yung resulta? para akong pusit na kinaladkad ng tren e… pambihirang buhay to, hindi kaya nabagsak ako una mukha?,” pabirong caption ni Luis sa kanyang IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Pero, sa katunayan talaga namang napakagwapo din ni Luis dahil ano pa ang hahanapin mo sa pinaghalong mukha ni Edu at Vilma. Hindi ba’t talagang napakagwapo na lumitaw ni Luis?

Hindi nakapagtataka kung bakit siya ang isa sa mga tinitiliang host at aktor sa ating bansa. Samahan mo pa ng kanyang karisma sa mga tao at galing sa paghohost ay talagang lahat nga naman ay na kay Luis na.