Luna Agoncillo, pinabilib ang mga netizens dahil sa angking galing sa pagiging isang reporter

Kamakailan- lamang ay nag-bahagi ang aktor na si Ryan Agoncillo ng dalawang video ng kanyang ikatlong anak na si Luna sa asawang si Judy Ann Santos. Sa unang video ay makikitang masigla at confident na inihahayag ni Luna ang kanyang weather report sa araw na iyon.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Mapapansin kung gaano nito ka-gusto ang ginagawa kaya naman hindi na mabibigla sina Ryan at Judy Ann kung pag-laki nito ay pipiliin niya ang kanyang career sa pag-rereport ng balita.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Energetic nitong sinabi kung ano ang weather sa araw na iyon na at mayroon pa itong papel sa likod na nagsisilbi umanong monitor sa kanyang weather report na talaga namang kinagiliwan ng kanyang pamilya lalong- lalo na ang kanyang mga magulang at napag- desisyunang ibahagi ang moment na ito sa publiko.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Sa murang edad ay nagpapakita na talaga si Luna ng interest sa pagiging reporter, hindi lamang iyon dahil kahit nasaang lokasyon ito ay tuloy pa rin ang kanyang pagpa- pakitang gilas sa pag-rereport.
Dahil sa pangalawang video clip ay makikitang nag- iba ang lokasyon ni Luna at ang kanyang background ay ang napakagandang beach view.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Mapapansin din na walang anumang script na binabasa si Luna at galing talaga mismo sa sarili niya ang sinasabi. “this weekends weather report is brought to you by our talking doll. may change location pa.” saad ni Ryan sa kanyang caption.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Sino ba namang magulang ang hindi matutuwa at magiging proud sa kayang gawin ng anak sa murang edad lalo na at alam na niya kung ano ang kanyang gustong maging kapag lumaki na ito na isa sa mga mahirap na desisyon na nae- experience ng isang anak.

Credit: Ryan Agoncillo instagram

Kaya naman hindi rin mapigilan ni Ryan ang mapa- hanga sa kanyang bunsong anak na itinuturing nitong talking doll dahil sa angking ganda at cuteness ni Luna.
Matatandaang noong 2016 ay ipinanganak ni Judy Ann ang kanilang ikatlong anak ni Ryan at ipinangalanan nila ito bilang Juana Luisa o mas kilala sa kanyang palayaw na Luna at ngayon ay limang taon na ito.

Bago isinilang ni Judy Ann si Luna ay mayroon na itong dalawang anak na si Yohan na kamakailan- lamang ipinagdiwang ang kanyang ika-16th birthday sa gitna ng p@nd3mya at ang kanilang nag-iisang anak na lalaki na si Lucho.