Lyca Gairanod, pinakita ang loob ng kanyang maganda at bagong biling sasakyan

Nagsimula ang pamamayagpag ng career ni Lyca sa industriya nang sumali siya sa reality singing competition na The Voice Kids Philippines na ipinalabas sa ABS-CBN network noong taong 2014. Siya ang nagwagi rito kung saan hinirang siya bilang first-ever champion ng nasabing show sa edad na 9 taong gulang.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Mula pa noon, ang kaniyang angking husay at galing sa pagkanta ang kaniyang naging puhunan upang maisalba ang pamilya sa buhay na kaniyang kinalakihan. Matatandaang na-ikwento dati ni Lyca kung gaano kahirap ang buhay na dinanas ng pamilya niya sa araw-araw noon.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kaya ngayon, kahit gaano na kalayo ang nararating niya at gaano na karaming biyaya ang natanggap niya ay nananatili parin siyang mapagkumbaba. Sa patuloy na pagsisikap niyang magtrabaho, walang duda na sa wakas ay may pagmamay-ari na siyang sasakyan na siya mismong ipinundar. Makikita sa isang bagong vlog na inilabas ng singer sa kaniya mismong Youtube channel ay ibinahagi niya ang Car tour episode niya sa kaniyang mga viewers at taga-suporta kung saan masaya niyang ipinasilip ang loob ng kaniyang sasakyan.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Nabanggit ni Lyca na mula noon, pangarap na niyang magkaroon ng sariling sasakyan. Ang pangarap niya mismong iyon ang ginawa niyang inspirasyon upang lalo pang magsikap sa pagtatrabaho. Sabi niya na ito ay dati pang hiling at plano para sa kaniya kaya hindi siya tumigil hanggang sa makamit ang nais niyang ito.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Malaking bagay para sa kaniya ang magkaroon ng sasakyan dahil sabi niya na ito ay nagsisilbing pangalawang tahanan niya kung saan siya ay maaaring magpahinga kahit kalian o anong oras tuwing may trabaho siya. Nakwento din niya na panay ang kaniyang pagko-commute na kaniyang kinahiligan noong mga panahong wala pa siyang sasakyan upang makapunta sa mga appointments niya.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Sa tagal ng panahon na hinintay niya bago magkaroon ng sasakyan, nabili na din ni Lyca sa edad na 16 ang pangarap niya. Nabanggit niya rin na marami siyang gustong sasakyan pero ang nabili niya ay ang talagang gusto at pangarap niyang sasakyan.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Mula noong manalo siya, masasaksihan ang unti-unting na rin pagbangon nila. Sa kabila ng lahat ng pagsub0k, isa-isa niya pa ring naaabot at nakakamit ang lahat ng pangarap niya dahil sa kaniyang sikap, tiyaga at determinsayon. Hindi lamang ang buhay niya ang kaniyang nabago kundi pati narin ang buhay ng kaniyang buong pamilya.