Lyca Gairanod, pinasilip ang kanilang simpleng bahay na kanyang pinatayo malapit sa dati nilang tinitirhan

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Napakasarap nga namang ibahagi ang anumang bunga ng ating pangarap at pagsisikap. Kaya naman, sa isang video sa vlog ng singer na si Lyca Gairanod ay ibinahagi niya ang kanyang naipatayong bahay sa kanyang house tour vlog.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Ayon kay Lyca, nagpagawa siya ng bahay malapit sa kanilang dating tinitirhan dahil nandoon ang kanyang lola.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

“Pinagawa ko ‘tong bahay na ‘to para may matutuluyan kami ng mga family namin just in case makita ulit namin ‘yung bahay namin. Nandiyan lang din ‘yung bahay namin. Malapit lang din. Konting lakad lang,” kwento ni Lyca.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Sa kanyang sipag at tiyaga ay nagbunga ang lahat ng kanyang pagh!h!rap na naipatayo na niya ang kanilang bahay.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Makikita sa kanyang house tour ang kanilang simpleng bahay. Tinour tayo ni Lyca sa kanilang sala, kusina at mga kwarto. May sariling kwarto si Lyca at dito makikita ang isang telebisyon at kanyang mga damit.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

“Plain man ang bahay na ito, hindi man kalakahihan, at least nakakapagpahinga tayo ng maayos and okay naman itong bahay na ‘to. Actually, may mga plans pa ako sa bahay na ‘to. Soon malalaman niyo din,” pagbabahagi ni Lyca.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kwento naman ni Lyca, ay nagstay din daw ang kanyang lola sa kanilang bahay.
“Minsan dito si Lola nag-sstay ‘pag gusto niya magpahinga ganu’n. Minsan lang siya napunta du’n sa bahay kasi ‘di pa naman tapos ‘yun,” pagpapatuloy pa niya.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Makikita din sa kwarto ni Lyca ang kanyang nakamit na Gold Play Button dahil sa kanyang 967,000 subscribers sa YouTube. At mukhang magiging dalawa na ito dahil going 1 million na sila.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

“Sinabit ko siya dito guys dahil napaka-importante nito sa akin nitong play button. Next time guys, magiging dalawa na ‘yan kasi road to one million na tayo,” sabi pa niya.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Nakaka inspire nga naman ang kwento ni Lyca. Mula sa kanilanh bahay malapit sa dagat ay nagkaroon na sila ng sarili at magandang bahay dahil sa kanyang pangarap at pagsisikap.

Credit: Lyca Gairanod Youtube