Kung babalikan ang nakaraan, makikita at maaalala ang mga problema na nalampasan at ang mga bagay na nakayaan ng isang tao o ng isang buong pamilya.

Lahat ng tao ay dumaraan sa mga pagsub0k ng buhay, gaya ng kakulangan sa pera, paghihiwalay ng mga magulang, hindi sapat na pagkain araw-araw, pag@away ng pamilya, pagkalubog sa mga vtang, hindi makapagaral ang mga anak, at marami pang iba.

Ilan lamang yan sa mga suliranin na kinakaharap ng mga tao, wala itong pinipiling estado sa buhay o edad dahil lahat tayo ay nakakaranas ng mga ito.

Sa ganitong mga hamon ng buhay, nagiging malakas ang mga tao at nagiging matatag ang buong pamilya. Kaya naman, maaari silang gumawa ng paraan kung paano mapagtatagumpayan ito.

Kagaya ng istorya ni Lyca Gairanod, na naging Grand Champion sa The Voice Kids Philippines noong 2014.Malaking bagay ang pagkapanalo niya sa The Voice dahil naiahon niya sa hirap ang kanyang buong pamilya.

Sila ay nakatira noon sa isang kubo malapit sa tabing dagat ng Tanza, Cavite kung saan ang kanyang ama ay isang mangingisda at ang kanyang ina naman ay nagpupulot lamang ng mga bote at ibinebenta ito.

Hindi naging madali ang kanilang buhay, kaya naman nagbakasakali siya na sumali sa unang season ng The Voice Kids upang matulungan ang kanyang pamilya.

Matapos ang ilang taon ng pagtitiis at pagtitiyaga ay naiahon na sa h!rap ni Lyca ang kanyang buong pamilya nang masungkit niya ang titulong Grand Champion sa The Voice Kids Philippines noong 2014.

Kasama sa mga prize na nakuha niya ay ang bagong bahay sa General Trias, Cavite kaya naman kaagad na lumipat ng bahay ang kanyanh buong pamilya

Naiwan naman sa dating bahay ang lola ni Lyca na siyang nagpalaki sa kanya simula noong siya’y bata pa. Ayon kay Lyca, ayaw umalis ng lola niya dito dahil napamahal na raw siya sa kanilang lugar
Ayon sa vlog ni Lyca noong Setyembre, nais niyang ipa-renovate ang bahay ng kanyang lola sa Tanza, Cavite ngunit hindi lamang ito maituloy dahil sa malakas na alon.

Muli naman niyang binalikan ang bahay na ito noong October 24 at ibinahagi sa kanyang vlog ang rason kung bakit hindi pa ito naipapagawa.”Pinagiisipin pa namin kung ipaparenovate namin to… o baka patayuan nalang namin ng ibang bahay si lola para na rin sa safety niya…” ani Lyca sa kanyang vlog.