Lyca Gairanod, sinabing mas ready sya ngayon sa showbiz dahil inuna nya ang kanyang pag-aaral

Kilala nating lahat si Lyca Gairanod sa kanyang galing sa pag-awit lalo na noong siya ay naitanghal bilang Grand Champion ng The Voice Kids Season 1. Katuparan nga naman ito ng mga pangarap ni Lyca lalo na at nagkabahay sila at nakatanggap ng cash prize.

Credit: LYCA instagram

Matapos ito, isa sa mga binigyang prayoridad ni Lyca ay ang kanyang pag-aaral. Nasa rurok man ng kanyang showbiz journey, hindi siya nanghinayang dahil itinuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Credit: LYCA instagram

Ayon sa PUSH eto ang sagot ni Lyca, “Unang-una po, hindi po ako nanghihinayang. Basta po ano… nakapag-aral po ako. Parang yon na rin po yung… hindi ko rin po alam na mas okey po pala yung ganun. It’s better po na nakapag-aral po ako kasi mas ready po ako ngayon na magtrabaho and mag-showbiz. Ready na po ako sa ngayon kasi mas nauna ko na po yung pag-aaral ko,”

Credit: LYCA instagram

Ayon kay Lyca, wala daw kasiguraduhan ang showbiz kaya naman mas mahalaga ang kanyang edukasyon.

“Di po kasi natin masasabi kung magtatagal tayo sa showbiz, eh, kaya inayos ko po muna yung pag-aaral ko. Wala naman po akong panghihinayang na ano… kasi ready naman po akong bumalik,”saad pa ni Lyca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

Credit: LYCA instagram

Alam na alam talaga ni Lyca ang kanyang prayoridad. Nakakapaghintay naman ang showbiz habang lumipipas ang panahon para sa kanyang pag-aaral.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

Saad pa niya, “Sabi ko po, mag-aaral po muna ako kasi alam naman po natin na hindi pang matagalan career. So siyempre, pag-aaral po, napaka-importante, pero napaka-importante rin po sa akin ng career kasi yung career na po to yung bumubuhay sa pamilya ko.”

Nang tanungin naman siya ni Lyca tungkol sa kanyang love life, para sa kanya ay may right time daw ang lahat ng ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1)

“Sa ngayon po hindi ko po alam. Kasi for me po talaga, hindi po natin masasabi kung magkakagusto tayo sa isang tao. Hindi natin masasabi kung mai-in love tayo sa ngayon,” pahayag pa ni Lyca.

Sa ngayon, hindi daw muna ito ang prayoridad ni Lyca kundi mas bibigyan daw nya ng oras at focus ang pag-aaral at kanyang karera sa showbiz.