Mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, masayang nagdiwang ng kanilang 7th wedding anniversary

Isa sa mga kilala nating matatag na couples at talagang nagmamahalan ay ang mag-asawang Chito at Neri Miranda. Kahit gaano man kabig@t ang kanilang napagdadaanan sa kanilang relasyon, sila ay nanatiling matatag at nakakapit sa isa’t-isa.

Credit: @nerimiranda instagram

Sino pa nga ba ang magtutulungan kung hindi ang bawat isa? Wala na nga namang ibang sasagip sa inyong relasyon kundi kayong dalawa. At ngayon, masaya nilang ipinagdiriwang ang kanilang ika-pitong anibersaryo. 7 years na nga naman simula nang sila ay nagsumpaan sa Diyos at ngayon ay masaya sila kasama ang pamilya.

Isang nakakatouch na mensahe ang pinost ni Neri para sa kanyang asawa.
“Happy 7th year wedding anniversary, Dad! I love you so much! You are the best Dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa.

Credit: @nerimiranda instagram

Thank you for making us happy EVERYDAY. Palagi mo kaming pinapatawa at hindi mo nakakalimutang ipakita kung gaano mo kami kamahal. SEVEN YEARS NA? WOW! matibay tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita!!!,” lahad ni Neri sa social media.

Siyempre, sinagot ito ni Chito ng isa ding nakakakilig na sagot. Sa post ni Chito,ipinaramdam niya ang kanyang malalim na pagmamahal sa pamilya.

Credit: @nerimiranda instagram

“I just love having a family. Sobrang enjoy lang. Para kang may permanent barkada na kapakanan at kaligayahan lang nila ang priority mo. It makes everything in life so simple,” lahad ni Chito.

Patuloy pa ni Chito,

“I had no idea it would be this much fun. Well, actually, sinabihan na ako dati ng pinsan ko na super saya nga daw, pero I guess wala pa sa sistema ko dati kasi I was young, and had different priorities. Kanya-kanyang timing lang talaga, I guess…and you should never let any0ne (including y0ur parents at yung m@kulit mo na Tita), rush you into things.”

Credit: @nerimiranda instagram

Masaya naman ang mga netizens sa kanila at siyempre wish nila ay magtagal sila at mas lumalim pa ang kanilang samahan.