Mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagbigay ng laptop, bike at grocery pang sari sari store para sa kanilang mahal na kasambahay

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Sa isang post ng pamilya Dantes, ay makikita ang pamimigay ng regalo at handog bilang pasasalamat ni Dingdong at Marian sa kanilang mga kasama sa bahay. Sila ay sina Ate Glenda, Kuya Jhun, at Ate Cecile.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Matagal na silang nagtatrabaho sa pamilya Dantes kaya naman hindi na sila iba sa kanila. Nagkaroon sila ng Christmas party sa loob ng bahay para lamang sa kanila.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Dito makikita ang programa ng buong party mula sa mga games, regalo at mga papremyo. Makikita ang tuwa sa bawat isa. Isa sa mga games dito ay ang family trivia na kung saan napanalunan ito ni Ate Glenda ang tangapangalaga ni Zia. Isang bike ang naipanalo  dito.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

“Malaking bagay po ‘yung bike na ‘yun na napanalunan ko, kasi syempre po, ‘yung bike po na ‘yun, magagamit po ng inay o ang pamangkin ko papunta sa labas, kasi malayo po kasi kami sa kalsada, kaya kailangan din po namin o nila ng masasakyan para magpunta ng kalsada,” saad ni Ate Glenda.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Nanalo naman ng laptop si Kuya Jhun ng isang brand new laptop na may Wifi connection na malaking tulong sa kanyang mga anak.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

“Napakalaking bagay. Lahat ng mga anak ko, gumagamit ng cellphone sa kanilang online school. Eh ‘yung gumagana lang d’un ‘yung cellphone ng asawa ko. Eh, ilan ang mga anak ko? Anim!” pahayag ni Kuya Jhun.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

At siyempre, lahat nga naman ay masaya dahil walang umuwi sa kanila na walang dala-dalang premyo at regalo.

Sila ay nabigyan ng all groceries you can carry para gawing sari-sari store bilang extra income na rin lalo na ngayong panahon ng p@ndemya.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

“Hindi sapat ang mga materyal na bagay na ito para tumbasan ang pagmamamahal at serbisyo nila sa aming pamilya,” pagbabahagi ni Marian. “Ganun pa man, simbolo ito ng aming pasasalamat sa kanila lalo na ngayong kapaskuhan,” sabi naman ni Dingdong.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram