Mag-asawang Jeron Manzanero at Sheena Halili, masayang nagdiwang ng kanilang ika-4 na taong anibersaryo

Napaka-bilis nga naman dumaan ng panahon at kamakailan-lamang ipinagdiwang ng magaling na aktres na si Sheena Halili at ang kanyang asawa na si Jeron Manzanero ang kanilang ika-apat na anibersaryo bilang magboyfriend at girlfriend.

Hanggang ngayon, ang sinusunod na anibersaryo ng mga ito ay ang kanilang anibersaryo bilang magka-sintahan at hindi ang kanilang wedding anniversary date na February 23 dahil ito na ang kanilang nakasanayan sa simula pa lamang. Tulad noong isang taon lamang, nagbahagi si Sheena ng letrato sa kanyang Instagram account upang ipagdiwang ang kanilang anibersaryo ng kanyang asawa.
“4 years♥️” saad nito sa kanyang caption.

Napaka-simple lamang ngunit sila lamag ang nakaka-alam kung anong mga pagsubok at journey na ang kanilang nalagpasan sa apat na taong pagsasama na lalong nagpapatibay ng kanilang relasyon at pagmamahalan.

Makikita sa letratong ibinahagi ni Sheena ang napaka-ganda at sweet na letrato nila ni Jeron dahil naka-piggy back ride pa ito sa asawa. Kaagad namang mapapansin ang kanilang magagandang ngiti sa kanilang labi na halatang nag-eenjoy sa ginagawa.

Hindi na nakakapg-takang lalo pang tumitibay ang relasyon nina Sheena at Jeron dahil ngayon ay kasama na nila ang kanilang unica hija na si Baby Martina at habang lumalaki ito ay mas lumalabas ang kanyang natural na ganda at cuteness na dala na nakuha nito sa kanyang magandang ina.

Matatandaang nakilala ang Kapuso Star na si Sheena Halili nang maging finalist ito ng talent search show na Starstrvck. Simula noon ay maraming nagbukas na oportunidad dito kaya naman mas naipamalas nito ang galing niya sa pag-arte.

Kaya naman nakilala ito ng nakakarami at nagkaroon pa ng iba pang mga proyekto. Hindi nag-tagal ay nakilala nito ang kanyang mnapangasawa sa kalagitnaan ng kanyang career sa showbiz na si Jeron Manzanero na kilala bilang magaling na ab0gado at kasalukuyang Pasig City Administrator.


Noong Agosto sa taong 2018 ay na-engage ang mga ito at pagkatapos ng dalawang taon ay nagpakasal na ang mga ito noong Pebrero 2020. Nitong Disyembre lamang din ipinanganak ni Sheena ang kanyang healthy at cute na cute na Baby girl na si Baby Martina. Makikita naman sa Instagram account nito na madalas nagbabahagi ang aktres ng mga letrato ni Baby Martina na laging kinagigiliwan ng mga netizens.