Mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies, masayang nagdiwang ng kanilang 3rd wedding anniversary

Nomitong nagdaang ika-19 ng Abril, ngayong taon, ipinagdiwang ng mag-asawang Rachelle Ann Go at Martin Spies and kanilang ika-3 wedding anniversary, sa pagkakataong ito ay kasama na nila sa selebrasyon ang kanilang unang anghel.

Credit: Rachelle Ann Go Spies instagram

Sa naturang Instagram post ng Western 3nd star na si Rachelle Ann Go, kaniyang sinab:
“We are 3 on our 3rd Wedding Anniversary ✨ Thank you for being the best @spiesmj 🙂 I praise God for you everyday 🙏🏻 I love you ❤️ #marriage #family #firsttimeparents”

Credit: Rachelle Ann Go Spies instagram

Kalakip nito ay isang napakagandang family picture ng kanilang nag-uumpisang pamilya.
Bumati naman ang mga kaibigan ng magkasintahan, gaya nila: @iamnoelferrer: “Happy Forever!!!!❤️❤️ @jakegalvez: ” 😍😍” @officialtimyap: ” Happy Anniversary ❤️❤️❤️”

Credit: Rachelle Ann Go Spies instagram

Matatandaang noong March 26 ngayong taon ay sinalubong ng mag-asawang Go at Spies ang kanilang panganay. Isang healthy baby boy, kanila itong pinangalanang Lukas Judah.
Marami sa kaniyang panganganak, dinaggsa ng pagbati na may galak ang aktres. Kabilang dito ay ang kapwa niya theater actress at Broadway star Lea Salonga, at kaibigan sa industriya na si Jolina Magdangal.

Credit: Rachelle Ann Go Spies instagram

Ibinahagi ng Hamilton actress ang balitang ito sa kaniyang Instagram account noong March 30, kasama ng isang litrato ng kaniyang supling. Nang ibinalita ni Go ang kaniyang panganganak, dinagsa ang aktres ng mga pagbati na may kagalakan. Ilan sa mga ito ay ang kaniyang kapwa theater actress at Broadway star na si Lea Salonga, at isang kaibigan mula sa industriya na si Jolina Magdangal.

Credit: Rachelle Ann Go Spies instagram

Ipinaliwag din ni Go kung bakit ito ang pinili nilang ipangalan sa kanilang anak. Lukas ay nangangahulugang “bringer of light”, ang Judah naman ay nangangahulugang ” praise, let Him be praised” Kasama ang pamilya ni Go, sila ay kasalukuyang naka-base sa London, kung saan siya ay gumaganap sa ilang series mula sa West End Production, gaya na lamang ng “Miss Saigon,” “Les Mis3rables”, at ang pinakabato ay “Hamilton”