Mag-asawang sina Aga at Charlene Muhlach, masayang nagdiwang ng kanilang ika-20 taong anibersaryo bilang mag-asawa

Maraming mga sikat na personalidad ang mga nagpapabatid ng mga importanteng selebrasyon o mga araw sa iba’t ibang mga plataporma ng social media. Isa na rin sa mga ito ay ang mag-asawang masasabing kilala talaga sa Showbusiness Industry, na nagbahagi ng kanilang galak sa pagselebra sa isa sa mga araw ng Mayo.

Credit: Charlene Gonzales-Muhlach instagram

Sa pamamagitan ng social media, ipinagdiwang ni Aga Muhlach at kaniyang asawa na si Charlene Gonzales ang isa sa pinaka-espesyal na araw sa bawat taon ng kanilang buhay, at ito ay ang kanilang anibersaryo na dalawang dekadang pagsasama bilang mag-asawa.

Credit: Charlene Gonzales-Muhlach instagram

Sa magkasunod-sunod na Instagram posts ni Charlene na may caption na, “❤️ 20 years of love & marriage ❤️ Happy Anniversary my love.. They say time flies when you are having fun. What a wonderful journey of life it continues to be with you, @agamuhlach317 ❤️

Credit: Charlene Gonzales-Muhlach instagram

Loving every moment towards forever 🥰 love you very much B ❤️ Happy 20th Anniversary ❤️” at mga hashtag na #throughtheyears at #20th anniversary, ay ibinahagi niya ang mga naka-collage na litrato nila ni Aga na nakunan sa iba’t ibang taong nakapaloob sa panahon ng kanilang pagsasama.

Credit: Charlene Gonzales-Muhlach instagram

Ipinakita din ni Aga ang kaniyang pagseselebra sa pamagitan rin ng pag-post ng litrato nilang dalawang mag-asawa sa Instagram na may caption namang “ 20 ❤️ God bless us all 🙏🏼#panalopalakers 🥂 @itsmecharleneg ❤️ the best!”.

Makikita sa mga komento sa mga posts ang maraming kaibigan, kasamahan sa industriya, at mga taga-suporta na nagpabatid ng galak sa kanilang mga mensahe bilang pakikisali rin sa selebrasyon ng anibersaryo ng dalawa.

Noong May 28, 2001 nang ikasal sina Aga at Charlene na naganap sa Baguio City. Sa loob ng dalawamput taon, sila ay nabiyayaan na ng kambal na sina Andres at Atasha na ngayon ay mga 19-taong gulang na.

Sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo ay makikita sa mag-asawa na sa paglipas ng panahon ay wala pa ring nagbago sa kanilang relasyon at ito ay puno parin ng saya at pagmamahal.