Mag-asawang Yasmine at Alfred Vargas, ipinagdiwang ang kanilang 11th civil Wedding Anniversary

Sa isa sa mga latest posts ni Yasmine Espiritu Vargas, ibinahagi at ipinagdiwang niya ang isa sa mga mahalagang araw sa buhay nilang dalawa ng kanyang asawa. Hindi pinalampas balikan ni Yasmine ang mga pangyayari noong August 16, 2010.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Makikita sa kanyang post ang picture nila ni Alfred na nakuhanan sa mismong araw ng kanilang civil wedding ceremony. Mapapansing sila ay nasa Supreme Court.“11 years ❤️ @alfredvargasofficial
#vargasnapagibig #civilweddinganniversary” ang makikita sa caption ni Yasmine.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon at labing isang taon na nga ang nakalipas nang maganap ang milestone na iyon sa kanilang buhay. Kung babalikan ang kanilang story, masasabing malaking parte ang showbiz career o journey ni Alfred sa kanilang relasyon dahil ito ang rason kung bakit at paano nagkakilala ang dalawa.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Noon pa man ay kilala na si Alfred sa industriya ng showbiz dahil isa siya sa mga nagkakaroon ng maraming mga projects noong panahong iyon. Dito siya nakilala ni Yasmine. Maaalalang nabanggit ng couple sa kanilang interview noon na si Yasmine ay isang fangirl ni Alfred.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Una silang magkita noong March 16, 2008 sa Sta. Cruz Laguna kung saan mayroon show si Alfred. Ayon sa aktor nagstand-out daw sa audience si Yasmine at siya’y na love at first sight kaya naman hindi tumigil ang aktor hanggang sa mapasagot niya ang kanyang fangirl.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Agad umanong nag-click ang dalawa at nagtuloy tuloy ang kanilang koneksyon na nauwi sa relasyon.
Ang civil wedding anniversary nilang ipinagdiriwang sa nasabing post ay patago lamang naidaos noon. Pa-sikreto lamang nagpakasal sa Svpreme C0urt ang dalawa noong August 16, 2011.

Noong buwan lang din ng July nang i-celebrate ng dalawa ang kanilang 4 years Church Wedding anniversary. Naganap naman ang church wedding nila noong July 23, 2017.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Sa ilang taon na nilang pagsasama ay nabiyayaan na sila ng tatlong anak. Ang panganay nila ay si Alexandra Milan na 10 years old, ang pangalawa naman nilang anak ay si Aryana Cassandra na 9 years old, at ang bunso naman nilang si Alfredo Christian ay 2 years old na. Kailan lang din nang magsimula ang classes ng tatlo.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Kahit na matagal tagal nang nagsasama sina Alfred at Yasmine ay wala pa ring nagbago sa kanilang samahan. Naging mas masaya lang sila at lumaki ang kanilang pamilya.