Magagandang litrato ng Mayor ng San Manuel Tarlac na si Donya Tesoro, pinahanga ang mga netizen

Sa henerasyon ngayon, maraming mga millennials ang pinasok ang mundo ng politika. Kung papansinin lalo na sa mga local units of government na kadalasan sa mga tumatakbo upang makamit ang isang posisyon ay ang mga tinatawag nilang “freshies” o mga kakagraduate pa lang sa College.

Credit: Donya Tesoro instagram

Isa na sa mga ito si Mayor Donya Tesoro na naglilingkod bilang Incumbent Mayor ng San Manuel, Tarlac. Sa isang latest Instagram post ni Mayora na may naka-attach na 3 videos at 3 pictures ay talagang namamayagpag ang kaniyang pagiging millennial.

Credit: Donya Tesoro instagram

Sa tatlong video ay kasama niya ang kaniyang secretary na tinatawag niyang “Rafa” kung saan sa unang video ay makikita ang dalawa na sumasayaw gamit ang app na tiktok. Nasabi pa ni Mayor sa caption na , “Lagi mo nalang ako sinasap@wan Rafa. Iniba talaga steps. 😪” na may hashtags pang “#LoveH@teRelationshipWithTheSec #FarmGirls #tiktokgirls”, ”.

Credit: Donya Tesoro instagram

Dito pa lang ay kitang-kita na kung gaano kalapit si Mayor Donya sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho dahil parang barkada lang ang turing niya sa Secretary na kasakasama niya kahit sa mga personal activities niya tulad ng pagti-tiktok, pagpasyal sa farm, at paglalaro ng sports na makikita sa dalawa pang video na parang sila ay nasa court.

Credit: Donya Tesoro instagram

Ang tatlo namang pictures na naka-attach rin sa same post ay makikita ang mga solo pictures ni mayora kung saan masasaksihan ang malaki niyang ngiti. Dagdag niya pa sa huling bahagi ng kaniyang caption ang pabirong “kunwari si future ung 🌳 (puno)..” dahil sa kaniyang huling picture ay makikita siyang yakap niya ang katabing puno,

Credit: Donya Tesoro instagram

Kung bibisitahin ang Social Media Account ni Donya Tesoro lalo na ang kaniyang Instagram account, pagkakamalan mo siyang isang TV Personality o isang indibidwal na kabilang sa industriya ng showbiz. Kung titignan ang kaniyang mga posts ay tila parang isa lang siyang millennial na hindi na i-stress sa trabaho.

Credit: Donya Tesoro instagram

Si Mayor Doña Cresencia “Donya” Reyes Tesoro ay nagtapos sa Miriam College sa kursong Bachelor of Arts degree in Communication. Ka-graduate niya ay pinasok niya agad ang mundo ng politika kung saan nanalo siya bilang Councilor taong 2013-2016. Nanalo rin siya bilang Vice Mayor sa taong 2016-2019 habang ang ama niyang si Benjamin Tesoro ang Mayor.

Credit: Donya Tesoro instagram

Noong 2019 naman ay nagkapalit lamang sila ng posisyon ng ama kung saan naluklok siya bilang Mayor at ang ama niya naman ang Vice Mayor. Bukod sa panlabas na ganda ng Mayora, ang pangalan niya ay tumunog rin at siya’y nakilala dahil sa napakagandang serbisyong kaniyang inaalay  sa mga tao.

Credit: Donya Tesoro instagram