Magaling na aktor at dancer na si Rayver Cruz, nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kapatid na si Rodjun Cruz at pamilya nito

“Happy Birthday @rayvercruz We love you!” ito ang caption ni Dianne sa kanyang post para sa birthday ni Rayver, kapatid ng kanyang asawa na si Rodjun Cruz. Makikita sa litrato sa post nito ay sina Rayver, ang birthday celebrant, si Rodjun na kanyang kapatid, ang pamangkin nito na si babay Joaquin.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

“Birthday Set Up @partybitzandpieces Cake @heartsnbells Food @_illospartytrays @partyplateph Lechon @drels_lechon Desserts @sweetcouplebakeshop Inflatables for the kids @thehouseofbounceph” binanggit din naman ni Dianne ang mga naging parte ng birthday nito.
Makikita sa set up ng birthday na mayroong design na Lakers, paboritong NBA team ni Rayver.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Napapalibutan ito ng mga ballloons na kulay ube at dilaw. Makikita dito na wala ang kaniyang girlfriend na si Janine Gutierrez. Maraming netizens ang nagtaka kung nasaan ang aktres na si Janine at ito ay sinagot ito ni Diane Medina sa isang komento sa post nito. Ayon kay Dianne, nasa l0ck in taping si Janine kaya naman wala ito sa birthday celebration ni Rayver.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Binati pa rin naman ito ni Janine sa kayang Instagram account kahit na hindi ito nakapunta sa birthday celebration dahil na nga sa lock in taping nito. “hi, happy birthday 💘” ito ang kanyang caption nito kasama ang litrato nilang dalawa na nasa beach.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Marami naman ang nakibati kay Rayver na kasama niya sa showbiz. Iilan sa mga ito ay sina Vina Morales, Geneva Cruz, Sunshine Cruz, Gab Valenciano, Mark Herras at marami pang iba.

Credit: Dianne Medina Ilustre instagram

Naging kilala si Rayver dahil sa kanyang mga dance moves at galing sa pag-arte. Si Rayver ay ang dating host ng game show ng GMA na “The Cl@sh”. Kasama niya dito ay sina Julie Ann San Jose, Ken Chan, at Rita Daniela. Napapanood din sa Sunday variety show na All Out Sunday at ang latest project ni Rayver ay ang paparating na teleserye ng GMA na “Nagbab@gang Lvha”.