Magandang selfie ni Maine Mendoza, kinagiliwan ng kanyang mga fans

Ang tanyag na personalidad sa industriya ng showbiz na si Maine Mendoza ay namahagi ng good vibes sa social media sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang mga random selfies.

Credit: Maine Mendoza instagram

Talaga nga naman tila napaganda ng aktres ang newsfeed ng kanyang mga followers sa Instagram sa pagdalas ng pagbabahagi niya ng kanyang mga pictures. Kailan lamang nang siya ay nagpost ulit. Ang mga ito ay mga litratong siya lamang mismo ang kumuha.

Credit: Maine Mendoza instagram

Noong August 13 ay may ibinahagi siyang dalawang selfie sa kanyang Instagram na may caption na “occasional selfie snaps”. Makikita sa nasabing post ang dalawang picture kung saan sino-show off niya ang kanyang mga napakagandang facial features.

Credit: Maine Mendoza instagram

Ito ay mga selfies kaya naman ang mga pictures ay nakafocus lamang sa mukha ni Maine.
Siya ay nasa parte ng bahay kung saan maganda ang l!ghting kaya naman lalong masasaksihan at maa-appreciate sa mga pictures ang natural beauty na taglay ni Maine.

Sa unang selfie niya ay siya’y naka p0ker face habang sa pangalawang selfie naman niya ay masisilayan ang kanyang maganda at malaking ngiti.

Credit: Maine Mendoza instagram

Inulan ang post ng 349k likes. Makikita rin naman sa comment section kung paano na-appreciate ng mga netizens at iba ding mga celebrities ang kagandahan ng aktres.

Mayroon din siyang latest post na ibinahagi kailan lang na isa namang mirror selfie. May caption naman ang post na “random mirror selfie coz it’s #vavaihansaturdays at work lolz”.

Credit: Maine Mendoza instagram

Ang picture na ito ay nakuhanan sa studio ng Eat Bulaga habang siya ay nasa trabaho. Maaalalang ang aktres ay isa ring regular host ng sikat na show ng GMA na Eat Bulaga.
Ang kanyang outfit na suot sa araw na iyon ay isang “girly attire”. Makikitang ang suot niyang top ay isang sleeveless na kulay pink.

Credit: Maine Mendoza instagram

Ayon mismo kay Maine, minsan lang siya pumorma ng ganito kaya naman sinulit na niya ang pagpipicture at hindi niya rin ipinalampas na ibahagi sa social media ang isa sa mga photos na na-capture niya.

Credit: Maine Mendoza instagram

Si Maine Mendoza ay isa sa mga tanyag na TV personality sa Pilipinas. Nagsimulang mamayagpag ang kanyang career nang makilala siya bilang “Yaya Dub” noong 2015.

Masasabing medyo active ang celebrity sa social media at kung bibisitahin ang kanyang account ay makikitang puno ito ng mga pictures niya na inaabangan talaga ng karamihan lalo na ng kanyang mga supporters.