Magkapatid na sina Ranz at Niana, ipinasilip ang groundbreaking para sa itatayong dream house nila

Pero sa ngayon ay unti-unti na rin namang natutuloy ang mga ito. Tulad na lamang sa latest update tungkol sa kaganapan sa buhay ng magkapatid na Ranz at Niana. Ibinahagi nina Ranz at Niana sa social media ang mga naging kaganapan nang sila ay mag groundbreaking ceremony para sa kanilang long-awaited dream house.

Credit: Ranz Kyle instagram

Ipinasilip ni Ranz sa kaniyang Instagram account ang mga pictures nilang magkakasama ng buong pamilya habang may hawak na shovel na ginamit para sa groundbreaking. May caption ang post na “Future fam home! Vlog is up!”

Credit: Ranz Kyle instagram

Habang makikita naman halos lahat ng pangyayari sa araw ng groundbreaking sa latest vlog na ini-release sa channel ni Ranz Kyle nitong June 30.
Ibinahagi ng famous Filipino vlogger ang excitement na nararamdaman niya para sa pamilya dahil sa unti-unti nilang nakakamtan ang plano na magsisilbi talagang malaking bahagi sa kanilang mga buhay.

Credit: Ranz Kyle instagram

“We, as a family, bought a lot. You know, this has been there for a while now. Like years ago. This is the only time na magsta-start ‘yung groundbreaking,” ang sabi ni Ranz sa vlog.
Ang groundbreaking na ito ay dati pang nakaplanong mangyari ngunit dahil sa ongoing p@ndem!c ay pansamantalang nakansela at na-delay ang pagsisimula ng construction ng bahay.

Credit: Ranz Kyle instagram

May picture pang ipinakita si Ranz nang sila ay pumasyal rito, ito ay ang picture ni Niana na nakatayo sa kanilang lot na nakuhanan ilang taon na ang nakaraan Habang sila ay papunta pa lamang sa location, silang magkakapatid ay nagkekwentuhan at isini-share ang kanilang mga ideas o plans na gagawin para sa kanilang sari-sariling mga kwarto habang nasa iisang sasakyan.

Credit: Ranz Kyle instagram

“Marami kaming styles so may mga suggestions kami sa mga rooms namin.” dagdag ni Ranz.
Nabanggit naman ni Niana sa kalagitnaan ng kwentuhan na mamimiss niya ang kanilang dating bahay dahil dito na siya lumaki at halos lahat ng mga mahahalagang pangyayayari sa kaniyang buhay ay naganap dito. “We’re gonna cry when we leave.” Ang sabi pa nito.

Ibinahagi rin naman ni Ranz ang kanyang plano. Dati pa ay nais na niyang magkaroon ng sariling place kaya sa kanilang bagong bahay ay plano niyang magtayo ng loft na magsisilbi bilang kaniyang mini-house.

Credit: Ranz Kyle instagram

Ayon sa kanilang dad na si Nino Guerrero, ang bawat miyembro sa pamilya ay may contribution para ma-achieve ang pangarap nilang ito. Siya ay natutuwa dahil pinaghirapan ng buong pamilya ito.
“We’re very thankful and grateful and I hope ma-welcome kami dito sa community. Shout-out pala sa mga new neighbors namin,” dagdag pa niyang pahayag sa vlog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niana (@nianaguerrero)

Ibinahagi rin naman ng mom nilang si Elcid Guerrero ang kaniyang nararamdaman, “Masaya ako kasi natuloy na din after two years. Ito na. Totoong-totoo na na mangyayari. Thankful ako kasi magkakaroon na kami ng sarili naming house,” sabi ng ina.

Kitang-kita sa bawat miyembro ng pamilya ang sayang nararamdaman nila na sa wakas ay magsisimula ng itayo ang kanilang dream house matapos ang ilang taong paghihintay.