Maia Azores ibinahagi ang mas klarong larawan ng kanilang magiging anak ni Jhong Hilario

Pagkatapos ng ilang buwan mula ianunsyo ni Maia Leviste Azores, kasintahan ng aktor na si Virgilio Viernes Hilario Jr., nagbahagi siya ng panibaging update ukol sa kanyang pagbubuntis.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Mula sa post ng long-time girlfriend ni Jhong Hilario na si Maia Azores sa kanyang Instagram account- @maialevisteazores, isang 3D/4D ultrasound photo ang ipinakita niya noong January 13.
“For this child, I have prayed, and You heard my cry.. For this baby, I had faith, and You gave new life..” Saad niya sa nasabing post.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Idinagdag niya rin ang pasadalamat sa @hellobabyfishermall; “Thank you @hellobabyfishermall for making our 3D/4D ultrasound experience a really memorable one.” Ang magkasintahan ay inaasahan ang unang anak nila sa papalapit na buwan ng Marso ngayong taon, matapos ang maraming taong pagsasama.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Sila man din ay pinadalhan ng mga mensahe ng kagalakan at pagmamahal mula sa industrial ng Showbiz na makasama ni Jhong Hilario, higit lalo mula sa kaniyang Showtime Family.
Kabilang dito sila Tiyang Amy ( @amypcastillo ), other half of Jugs and Teddy ( @jugsjugsjugs ), his former co-host, Eruption (@eruption23) at ang basketball star Arwind Santos na nag-iwan ng mensaheng; @arwindsotnas, “Ninong ako ,ako magtuturo sayo magbasketbol ha”

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Noong November 26, ipinahayag ng magkasintahan ang pagbubuntis ni Maia sa kabilang mga Social Media accounts. Kung saan, isiniwalat ni Jhong Hilario ang kasiyahan sa kanyang IG account- @jhonghilario, larawan ng kaniyang kasintahan na ipinapakita sa lahat ang baby bump nito na unti-unting lumalaki.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Kasama nito ang caption na;
“Thank you Lord!” sinundan pa ng mga hashtag na #SamplePrince and #SamplePrincess- na isinusunod niya sa bansag sa kaniyang, “Sample King”.

Credit: Maia Leviste Azores instagram

Sa kabilang banda mas malapit na anggulo naman ang ipinakita ni Azores.
Si Maia at Jhong ay nagmamahalan na sa loob ng 9 na taon at patulog pang tumitibay, kanilang pinatunayan na walang edad sa pag-ibig sa kanila ng kabi-kabilang kritisismo noong sila’y nag-uumpisa pa lamang, dahil sa 15 taon na agwat ng kanilang mga edad. Mag-iisang dekada na nilang pinatunayan ang kanilang pag-iibigan sa buwan ng Hulyo.

Credit: Maia Leviste Azores instagram