Maja Salvador at Rambo Nunez, pinakilig ang mga netizen dahil sa kanyang mga sweet na litrato

Makikita sa Instagram ng non-showbiz boyfriend ni Maja Salavador na si Rambo Nunez ang ibinahagi niyang picture nilang magkasama ng girlfriend. May caption ang post na “You, me and our #AiveeMoments ✨❤️🍦”

Credit: Rambo Nunez instagram

Ang dalawa ay nasa isang clinic. Kitang-kita sa picture ang malalaking mga ngiti ng dalawa na singtamis ng hawak nilang sorbetes. Makikita naman sa comment section ang mga positive messages ng mga tagasuporta ng couple kahit na lowkey lang ang kanilang relationship.

Credit: Rambo Nunez instagram

Mapapansin rin ang comment ng kanilang kaibigan na nasa industriya ng Showbiz na kasamahan ni Maja na si Jason Abalos. Sabi niya sa comment na aabangan niya raw ang caption na “You, me and our baby”. Tila siya ay isa sa mga tagahanga sa relasyon nina Maja at Rambo.

Credit: Rambo Nunez instagram

Ang relasyon nina Maja Salvador at Rambo Nunez Ortega ay isang ‘rekindled relationship’. Maaalalang minsan ng naikwento ni Maja na ang kasintahan niya ngayon ay dati niyang ex. Naging boyfriend niya si Rambo noong taong 2010 kung saan siya ay 21 years old pa lamang, kalaunan ay nauwi ang relasyon sa hiwalay@n.

Ngunit matapos ang siyam na taon ay nagkitang muli ang landas ng dalawa.
Laging sinasabi noon ng Dance Princess na ayaw na niyang mag entertain ng kahit sinong naging ex-boyfriends niya, ngunit si Rambo ay tila ang “The Only Exemption”.

Credit: Rambo Nunez instagram

Hindi itinanggi ni Maja ang pag break niya sa kanyang sariling rules at ayon sa kanya, minsan talaga ay kailangan gawin ‘yon at sa tingin niya ang desisyong iyon ay worth it. Sabi pa ng aktres na sa desisyong ay sa unang kauna-unahang pagkakataong siya ay “1000%” na sigurado.

Credit: Rambo Nunez instagram

Ang kanilang “comeback” bilang couple ay hindi imposible ayon kay Maja dahil wala naman nagloko sa dalawa. Kinailangan lang talagang piliin ni Maja ang kanyang career kaysa sa lovelife noon.
Malaki ang pasasalamat ni Maja kay Rambo at kanyang pamilya dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa loob ng 9 years ay ini-welcome parin siya ng pamilya ng boyfriend.

Credit: Rambo Nunez instagram

Nabanggit ni Maja na sa loob ng 9-year break up nila ni Rambo ay nagpatuloy pa rin ang communication nila ng ina nito. Si Maja Salvador ay isang aktres, dancer, singer, host at producer. Ngayon ay may dumagdag pa sa kanyang career dahil kasalukuyan na siyang owner ng isang talent agency, ito ang Crown Artist Management Inc.

Credit: Rambo Nunez instagram

Ang boyfriend niyang si Rambo Nunez Ortega ay president ng events and public relations company at naghahandle rin ng isang digital influencer marketing agency.