Margielyn Didal, hindi inakala na sya ay magiging bahagi ng sikat na clothing brand na H&M

Tunay nga namang nakakamangha ang ating mga atletang Pinoy. Matapos ang Tokyo Olympics,ibinandera ng mga atletang Pinoy ang galing at gilas ng Pinoy.

Credit: Margielyn Didal instagram

Isa sa mga magigiting na atletang ito ay ang skateboarder na si Margielyn Didal. Di man
siya pinalad na magkamedalya sa nakaraang Olympics, naging masaya naman siya sa tagumpay ng kanyang mga kasamang Pinoy na nakasungkit ng medalya.

Credit: Margielyn Didal instagram

Kaya naman, pansin ng mga netizens ang tunay na diwa ng atleta kay Margielyn dahil talagang makikita gaano ito kasaya para sa tagumpay ng kanyang mga kasama.

Pagkauwi ng ating mga atleta sa bansa, sumalubong sa kanila ang mainit na pagtanggap ng mga Pinoy. Mula sa mga mensahe, suporta at maging mga sponsors na dumagsa sa kanila.

Credit: Margielyn Didal instagram

Gaya na lamang nito na nakita ng atletang si Margielyn. Hindi daw niya akalain na magiging bahagi siya ng isang campaign ng kilalang clothing brand na H&M.

Regular customer daw noon si Margielyn dito at ngayon ay di niya akalain na makikita na niya ang kanyang larawan dito.

Credit: Margielyn Didal instagram

“Never did I imagine I will be part of a major campaign for @hm, a brand a big a fan of! I used to shop in their Cebu store as a regular customer. Now my pic is on the window and The Skate Drop – a collection selected by me is on the racks. How s!ck is that! So everyone out there who dreams big, they do happen!

Credit: Margielyn Didal instagram

#MargieforHM,” saad ni Margielyn. Hindi tuloy mailarawan ni Margielyn ang tuwa at saya sa kanyang nakita. Walang mapaglagyan ang kanyang emosyon sa sobrang saya dito.
Wala nga namang imposible sa isang taong marunong mangarap at gumagawa ng aksyon para sa kanyang pangarap. Iyan si Margielyn.

May pangarap, sipag at tiyaga. Sabi nga ni Margielyn, posible daw na mangyari ang mga higanteng pangarap natin sa buhay. Mabuhay ka, Margielyn!