Marian Rivera, nagpost ng litrato nya nung bata na sobrang kahawig ng kanyang panganay na anak na si Zia

 

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Tila ba ay parang recreated pictures ang mga litrato ni Zia sa sobrang pagkakahawig niya sa kaniyang ina. Kitang kita naman ang malapit na pagkakahawig ng dalawa at tila ba sila ay pinagbiyak na bunga.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Si Zia Dantes na panganay ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nalalapit ng magdiwang ng kaniyang kaarawan. Ito ay sa Nobyembre 23 na at siya ay turning 5 years old na.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ito ang saad ni Marian sa caption ng kaniyang post, “Parang ako rin daw si Zia noong bata, agree ba kayo?” madaming mga netizens ang natuwa at namangha dahil manang mana talaga si Zia sa kagandahan ng kaniyang ina kaya naman ang post ay umani ng mahigit sa 227k na likes sa instagram.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ang sabi ni Marian ay ang tanging pagkakaiba lang niya sa kaniyang anak noong siya ay bata pa ay mas makulit si Zia “Pero sa totoo lang mas makulit ng 1000x ang anak ko. 🤣 Napaka-curious at #TodoExplorer!” saad niya.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Umani ng suporta ang post ni Marian at ang mga fans ay sumang-ayon na sila ay magkamukha talaga. Mayroon pang mga sikat na artista at mga kilala sa industriya ng showbiz ang nagcomment sa post ni Marian tulad na lamang nila @iyavillania, @celestetuviera, @mina_villarroel at iba pa.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ito ang iilan sa mga komento ng kaniyang mga followers:
“Like mother, like daughter. Sooooo cute!!!” -“The bangs!! Super bagay as always!”
“GRABE NAMAN CARBON COPY TALAGA NAPAKA CUTE NA MAG MOMMY”

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ang ilan naman ay nagsasabi na mas kahawig umano ni marian ang bunsong anak nila na si Ziggy sa mga litratong inupload.
“Parang mas kmukha mo si ziggy”
“Mas kamuka mo po si ziggy”

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram