Marian Rivera, pinakita ang napakagandang Christmas photosh00t nila nina Dingdong,Zia at Sixto

Ang magpapamilyang Dantes ay nagkaroon ng isang Christmas photoshoot at ang mga nag gagandahang mga litrato ay ipinost nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kani-kanilang mga Instagram account.

Credit: Marian Rivera instagram

Sa mga litrato ay makikita ang kacutean ng kanilang mga anak na sila Zia at Ziggy. Ang dekorasyon sa litrato ay napapaligiran ng mga palamuting pampasko at tiyak naman na ang Christmas aesthetic ay damang dama sa mga litratong iyon.

Credit: Marian Rivera instagram

Sa mga litrato ay nakasuot ng puting dress si Marian at ang kanilang panganay na si Zia samantalang ang kacutean naman ni Ziggy ay nag-umapaw sa kaniyang suot na printed blue polo.

Credit: Marian Rivera instagram

Ang mga litrato ay kuha ng Stork Studio na kilala sa pagkuha ng litrato ng mga bata. Maraming mga cute na posing ang ginawa ng magpapamilya, mayroong litrato kung saan ang magkapatid ay naglalaro kung saan si Ziggy ay nakasakay sa isang pulang laruang sasakyan habang tulak tulak naman ito ng kaniyang ate.

Credit: Marian Rivera instagram

At hindi rin naman magpapahuli ang mag-asawang sila Dingdong at Marian dahil mayroon rin silang litrato kung saan sweet na sweet na nakaakbay si Marian sa kaniyang asawa at ito ay kinakiligan ng maraming mga netizens.

Credit: Marian Rivera instagram

Ang larawan mula sa photosh00t nila na nagtamo ng pinakamaraming likes at komento sa Instagram account ni Marian ay ang litrato nila Marian at Dingdong na nagh@lik@n at nakapose ng gulat si Zia habang si baby Ziggy naman ay tila ba nagtataka.

Credit: Marian Rivera instagram

Ang caption ng litratong iyon ay “Oops.. I saw Daddy k!ssing Mama 😅” Ang litratong iyon ay nagpapakita lamang na ang kanilang pamilya ay matuturing na Family Goals.

Credit: Marian Rivera instagram

Sa nasabing post ay maraming mga netizens ang natuwa at nagparating ng kanilang greetings sa pamilya. May mga sikat na mga personalidad din ang nag-iwan ng komento sa post tulad nila Aiko Melendez, Boobay, Eugene Domingo, Celeste Tuviera, Nina Corpuz, Pops Fernandez, at marami pang iba.

Credit: Marian Rivera instagram