Mariel at Robin Padilla, pinatayuan ng bahay ang kanilang mga kasambahay at pamilya nito

Ang sikat na “b@dboy” sa industriya ng showbiz dahil sa mga ma@angas niyang role sa kaniyang mga palabas na si Robin Padilla ay may malambot na puso para sa pagtulong sa mga taong nakasama ng kaniyang asawa na si Mariel Padilla.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Sila ay nagpatayo ng apartment para sa kanilang mga kasambahay. Ipinakita ang niregalo nilang bagong apartment sa mga kasambahay ng mag-asawa sa youtube channel ni Mariel Padilla.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Ayon sa kanila ay ito ay isang paraan upang mapahalagahan ang serbisyo ng kanilang mga kasambahay. Malaki ang malasakit at mahal nina Robin at Mariel ang kanilang mga kasambahay kaya naman ginagawa nila kung ano ang makakapagpasaya sa mga taong naaasahan nila sa kanilang pang araw-araw na buhay.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Ang apartment na iyon ay talagang gustong gusto ng mga kasambahay nila dahil simula nang maglockd0wn at magkaroon ng p@ndemya ay hindi na naka-uwi sa kani-kanilang mga pamilya ang kanilang mga kasambahay.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Labis na namimiss na umano ng kanilang mga kasambahay ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi nagdalawang isip ang mag-asawa na iregalo ito sa kanila.

Credit: Mariel Padilla Youtube

“Tonight on my YouTube Channel is something more personal. Since the lockd0wn no one has left the house, including our staff. Miss na nila pamilya nila. Ito kwento nila. Kamusta sila ngayong p@ndemic. Lahat ng sakripisyo may matamis na kapalit basta magsumikap. Isang pangarap ng bawat tao nakamit nila ngayong panahon ng c0vid,” saad ni Mariel.

Ang pagpapagawa ng apartment sa Museo Padilla umano ay ideya ni Robin. Ayon kay Mariel na simula nang magkaroon ng p@ndemya ay naging mahigp!t sila sa pagpapalabas ng mga tao sa kanilang bahay para na rin sa safety ng lahat.

Naging mahirap ito para sa kanilang mga kasambahay dahil hindi na sila nakakauwi sa kanilang mga pamilya at labis na ang kanilang pangungul!la.

Ngunit ngayon ay may apartment na sila na malilipatan ng kanilang mga pamilya at makakasama na rin nilang muli ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi maiwasang maging emosyonal ang mga kasambahay nina Robin at Mariel.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Labis ang pagpapasalamat nila sa mag-asawa tulad na lamang ni Jo na isang midwife na mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho sa pamilya at ito ang pasasalamatan niya, “Nagpapasalamat po ako dahil napapunta ako sa pamilya n’yo.”
Ang isa sa kanilang kasambahay ay nagbahagi kung paano sila itrato sa bahay nila Robin at ito ang sabi niya,

Credit: Mariel Padilla Youtube

“Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba. Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo.”