Mark Herras, masayang ipinakita ang kanyang bagong silang na anak na si Baby Corky

Credit: Mark Herras instagram

Isa sa mga hinihintay nating mga netizens na dumating at maipanganak ay ang anak ni Mark Herras at Nicole Donesa. Noong nakaraang taon, ay opisyal nilang ibinahagi sa atin ang good news na sila ay engaged na at mayroon nga silang baby.

Credit: Mark Herras instagram

Marami ang natuwa nang ibalita nila sa atin ang good news na ito. Excited nga naman talaga ang lahat na makita si baby. Nagkaroon din sila noon ng baby shower at gender reveal kasama ang kanilang mga pamilya.

Credit: Mark Herras instagram

At noong January 31, naipanganak na ni Nicole ang kanilang panganay na anak na si Baby Corky o si Mark Fernando Donesa Herras.

“Name : Mark Fernando Donesa Herras Born : January 31, 2021 Weight : 7.3 lbs Length : 53 cm Hi I’m Corky 👶🏻👶🏻👶🏻 wasssap!! Very goodjob mammeeeh!!! 🐻👶🏻🐷,” pagbabahagi ni Mark sa kanyang IG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ɪᴄᴏ♡ (@nicole_donesa)

Marami nga namang mga netizens ang nag-abang talaga sa panganganak ni Nicole. Marami din ang nacucurious kung sino ang kamukha nito at kung kanino ba ito nagmana.

Credit: Mark Herras instagram

Samantala, makikita naman sa IG ni Nicole na pinost niya ang larawan ni Mark na buhat buhat si Baby Corky. Hindi naman maipinta ang mukha ni Mark sa sobrang saya. Sigurado nga naman talagang tuwang tuwa si Mark bilang isang ama lalo na at ito ang kanyang panganay na anak.

Credit: Mark Herras instagram

Kahit sino nga namang first time parent ay talagang hindi maiintindihan kung ano nga ba
ang mararamdaman nila dahil sa pinaghalong emosyon at nangingibabaw ang labis na saya at tuwa sa kanila.

Credit: Mark Herras instagram

Kaya naman, masayang masaya ang mga netizens para kay Mark at Nicole. Sunod namang inaabangan ngayon ng mga netizens ay ang face reveal nila kay Baby Corky.
Sa ngayon, ang mahalaga ay malusog si baby at ligtas din ang panganganak ni Nicole.

Credit: Mark Herras instagram