Matteo Guidicelli, proud na proud sa kanyang asawa na si Sarah Geronimo na isa ng Chef ngayon

“So proud of you my love,” ani ng napaka supportive na asawa na si Mateo Guidicelli patungkol sa pagtatapos ng kanyang maybahay na si Sarah Geronimo. Tama! Isa na ngang ganap na “chef” ang ating Popstar Princess.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Mateo Guidicelli ang isang magandang balita na ang kanyang mahal na asawa na si Sarah Geronimo ay nakatanggap nang certificate matapos makapagtapos sa isang culinary school. Makikitang ngiting ngiti ang mag asawa sa panibagong level na naabot ni Sarah, nakasuot din ang Popstar Princess nang kanyang chef uniform at pinapakita ang natanggap na Certificate.

Credit: Matteo Guidicelli FACEBOOK

Pinakita din ni Mateo ang ilan pang mga larawan kung saan naroon ang ilang guro nya. Nakapag graduate si Sarah sa kanyang course na baking sa Heny Sison Culinary School.

“Svper pr0ud 0f you my l0ve!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS! Yesssss ‘chef sarah’ it is!! We are super proud of you! Y0ur @chievement are limitless because you always str!ve for 3xcellence! I love you!” caption ni Matteo sa kanyang post, at sabay” #proudhusband 💯😘”,

Credit: Matteo Guidicelli FACEBOOK

halatang halata nga na sobrang tuwa nito sa nakuhang bagong milestone ng kanyang asawa.
Tunay na ang mga accomplishments na nakukuha o natatanggap nang iyong mahal sa buhay ay isa nga sa mga accomplishments mo din, dahil isa ito sa mga ikinatutuwa mo bilang supportive na kung anuman ang iyong role sa isang relationship;

mapa asawa, kaibigan, pamilya, o simpleng mga ka close na kakilala. At kung hindi naman kakilala ay yung simpleng mga nakikita lang natin na mga taong nakakatanggap nang mga kanilang pinagpaguran.

Credit: Matteo Guidicelli FACEBOOK

Ang mag asawa ay naikasal noong Pebrero 2020.

Si Sarah Geronimo-Gudicelli ay isang Filipina singer at actress. Si Sarah ay nakilala noong 2002 matapos manalo sa isang singing contest na Star for a Night, matapos makapag earn nang sarili nitong recording contract sa Viva Records at nakapag released nang kanyang debut album na Popstar: A Dream Come True.

Credit: Matteo Guidicelli FACEBOOK

Samantala si Matteo Guidicelli naman ay isa ding Filipino actor, model, singer at former kart racer. Sya ay initially became known sa pamamagitan nang kanyang racing career, dahil ito ay nakapag simula na sa edad pa lamang ng 11. Nanalo nga din ito nang ilang mga awards kasama na ang pagiging three-time winner nang Karter of the Year award.

Credit: Matteo Guidicelli FACEBOOK