Melai Cantiveros, masayang ibinahagi ang nakakatuwang tiktok dance ng kanyang mga anak na sina Mela at Stela

Ang Tiktok ang isa sa mga kinagigiliwan na app ng mga Pilipino ngayon dahil mula nang mag-simula ang mga l0ckd0wns at nalimitahan ang pag-labas ng bahay, ang panonood at pag-gawa ng mga Tiktok videos ang naging pampalipas oras at pinagkaka-abalahan ng mga Pilipino.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram

Dahil dito ay talagang sumikat ito at talaga namang naging routine na ng mga netizens ang panonood at paggawa ng mga tiktok videos dahil ito ay isa sa mga naging coping mechanism at entertainment ng mga netizens sa gitna ng p@nd3my@.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram

Mapa bata man, teenager o matatanda ay talaga namang ready na ready sa pagpapakita ng kanilang talento sa Tiktok. Siyempre hindi rin mawawala ang mga kilalang personalidad sa pag-gamit ng trending na app.

Isa sa mga naagpakitang gilas ay ang mga anak ng host ng morning talk show na Magandang Buhay na si Momshie Melai Cantiveros-Francisco. Kamakailan-lamang ay ibinahagi ni Momshie Melai ang isang Tiktok video ng kanyang dalawang anak na babae na sina Mela at Stela sa kanya mismong Instagram account.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram

Ang dalawang anak ni Melai ay talaga namang mayroon palang itinatagong talento sa pag-sasayaw dahil makikita sa video kung gaano ka-galing ang mga ito sa pag-kembot at pag-memorize ng mga dance steps.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram

Sa murang edad pa lamang ay talagang masasabi mo nang magiging magaling na dancer ang mga ito sa pag dating ng panahon kung mapag-desisyunan man nilang pumasok din ng showbiz tulad ng kanilang ina at ama.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram

Cute na cute na humataw at ipinakita ng dalawa ang kanilang talento sa pag-sayaw. Hindi man lanaag sila nakaramdam ng hiya sa harap ng camera at tuloy-tuloy na sumayaw ang mga ito at nagpakita ng kaka-ibang confidence.

Kikay na kikay naman ang mga ito sa kanilang suot-suot na matching pink pajama set, isama mo pa ang kanilang kikay na moves na lalong nagpatingkad sa cuteness na dala ng mga ito para sa mga manonood.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram

“Mag Tutu tutu daw sila Cge Go labong quarantine pa @atemelafrancisco @stelarosalind ♥️ ♥️♥️ Maayung Buntag sa tanan” saad ni Melai sa kanyang caption na tuwang-tuwa rin sa pag-sasayaw ng kanyang dalawang nag-gagandahan at cute na cute na anak.

Matatandaang umarangkada ang career ni Melai mula nang manalo ito sa reality TV show na Pinoy Big Brother noong 2009.

Credit: Melai Cantiveros Francisco instagram