Aktres na si Melissa Ricks, engaged na sa kanyang boyfriend na si Michael Macatangay

Saan nga ba natin mahahanap ang ating one and true love? Sabi nga nila, ito daw ang maaari nating makatuluyan at ang mismong tao makakasama natin sa hirap at ginhawa.

Credit: Melissa Ricks instagram

Pero bago pa ito, marami nga namang pagdadaananan.Mula sa ligawan, pagiging magkasintahan hanggang sa engagement, kasal at makabuo ng pamilya.
At para sa aktres na si Melissa Ricks, siya ay malapit na sa pagpapakasal dahil siya ay officially engaged na sa kanyang fiance na si Michael Macatangay.

Credit: Melissa Ricks instagram

Si Michael ang boyfriend ni Melissa. Matagal tagal na rin niyang naikukwento ito sa atin. Ang galing nga naman, dahil ngayon fiance na siya ngayon ni Melissa.

Credit: Melissa Ricks instagram

Nakita naman ang balitang ito sa IG accountng ktres na si Ara Mina. Dito din makikita ang ilang larawan nito. Talaga namang kikiligin ka sa couple na ito.
“Congratulations @mellyricks09 and Michael on your engagement! Sensya na at di ako nakapunta at nawitness ito. But so happy for both of you. God is good talaga! May God bless you guys!” laman ng IG post ni Ara noong August 29..

Credit: Melissa Ricks instagram

Dahil sa post na ito ay marami ang nakaalam na engaged na ang dalawa. Pinost ni Ara ang kanyang post na ito para bumati at humingi ng paumanhin na hindi siya nakadalo sa engagement.

Credit: Melissa Ricks Instagram

Talagang close si Ara Mina kina Melissa. Sa katunayan, ay nakita na sina Melissa at Michael na kasama si Ara sa grand opening ng Hazelberry Café ni Ara za Molito Complex, Alabang branch March 8, 2020.

Credit: Melissa Ricks instagram

Sa IG account naman ni Melissa, ay wala pangupdate si Melissa. Kaya, marami din ang nagaabang sa kanilang dalawa lalo na ang kanilang petsa ng kasal.
Huling nobyo ni Melissa si Charles Togezaki. Sila ay nagka anak na si Kiera. At noong 2016 ay nagkahiwalay din.